Chapter 34

2.4K 96 0
                                        

Here's the update...

***

Rin's Pov

"No. I don't."

Wala nang sasakit pa sa sinabi niya. 'No, I don't' na ang sinabi niya. Isa lang naman ang ibig sabihin niyan di ba? Na wala na talaga, na hindi na talaga, wala na talaga akong pag-asa, na hindi talaga kami magkakaroon nang tinatawag nilang 'kami' o 'tayo'. Ganun pa man tinatagan ko na lang ang sarili ko. Hindi ko ipapakita sa kanila na nasasaktan ako, pero, siguro sa mata ng mga taong nakakakilala sa'kin ay hindi sila maniniwala na okay ako, na hindi ako nasasaktan, dahil kahit hindi man ako nagsalita alam kong ramdam nila ang pighati ko ngayon. Gaya nalang ni Kuya, talagang nandito lang siya sa tabi ko, hindi niya ako iniiwan. Parang sinasabi niya na kung gusto mong umiyak, nandito lang ako, kung gusto mong ilabas ang saloobin mo, makikinig ako. Ang swerte ko lang talaga.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa Cafeteria para maglunch. Sa gym kasi kami galing para manuod ng game. Volleyball girls na kasi ang maglalaro at nagwa-warm up na sila pagdating namin. Iniwan ko sila sa bench at lumapit ako sa table para tumulong sa pagso-score. At para makaiwas na rin muna sa kanila.

Napili naming umupo malapit sa bintana. Pinagdugtong-dugtong lang namin 'yung tatlong mesa.

"Kami na po ang mag-oorder, umupo lang po kayo dito." sabi ko. "Ano pong sa inyo, Ma, Kuya?"

"Eh, kami, insan?" tanong ni Ken.

"Nandiyan ka naman, kaya sumama ka. Ano 'to ako lang ang magbibitbit?"

"Haha. Oo nga noh? Sige." sabi niya saka tumayo. Napabuntong hininga na lang ako.

"Akala ko nga rin, eh ikaw ang pabibitbitin niya. Babatukan ko na sana." sawsaw ni kuya.

"Narinig mo, Ken? Babatukan ka ni kuya."

"Hindi niya magagawa 'yan, nandiya kaya sina mommy at daddy. Papagalitan siya."

Naningkit ang mga mata ko at ngumisi ako sa kanya.

"H-hoy, Rin? A-ano 'yan?" sabi niya sabay turo sa'kin.

"Papagalitan kamo ni tito at tita si kuya? Sigurado ka jan?" seryoso kong sabi.

"H-hehehe. Oo noh." sabi niya saka bumaling sa magulang. "Diba, mom? Dad?"

"No. If you deserve to be scolded, then we're fine with that." sabi ni tita.

"Mom!"

"See? Hahahaha. Napahiya ka Ken. Tara na nga." sabi ko saka ko siya hinawakan sa braso at hinila. Sumunod naman sina, Max, Hynes, Autumn, Hiro at Syl. Mukhang tahimik lang sila ahh.

Kahit nasa pila kami ang ingay-ingay pa rin ng pinsan kong maluwag ang turnilyo sa ulo kaya napunta sa'min ang atensyon ng ibang kumakain. Akala ko nga sisinghalan siya pero iba ang narinig namin.

"Ang gwapo niya noh?" pagkarinig niya non ay agad siyang nagtaas noo.

"Saan banda?" mahina kong sabi, 'yung dalawa lang kaming nakakarinig.

"Ang sakit, insan ha? Pinsan ba talaga kita?"

"Aba, malay ko, tanungin mo sina tito at tita, baka ampon ka lang?"

"Ampon? Grabe ka na, ang gaganda at ang gugwapo nating 'to? Tapos ako ampon? Hindi ko 'yun matatanggap." pagpoprotesta niya.

"Oo na."

"Oo nga, ano kayang pangalan niya?" aba gusto pa siyang makilala.

"Narinig mo 'yun, insan? Gusto niya akong makilala."

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon