Epilogue

4.4K 157 4
                                    

5 years later...

"Good Morning, Ms. Shinize, ito na po ang budget para sa new project na gusto niyo pong gawin."

"Ok, just put it in the table. Thank you." sabi ko. Hindi ko na siya pinagtuunan pa nang pansin marami kasi akong ginagawa.

Hindi ako magkandaugaga sa mga gagawin ko. Mag-isa ako!! Wala si mama, pinagpahinga ko muna, si kuya nasa honeymoon pa. Wala akong katuwang!! Si Aestine at Silver, bagong kasal kaya nagkwa-quality time. SI Autumn at Hynes ayun, gumagala. Mga walang pakialam sa'kin. Ni hindi nila ako iniisip. Pero ayos lang naman kasi buhay nila 'yun at saka medyo kaya ko pa naman. Si Hiro naman, hindi nagpaparamdam, humanda siya sa'kin pagkatapos nang lahat nang ito.

Nagko-concentrate ako sa pagtipa sa keybaord ng laptop nang pumasok ang sekretarya kong si Elize, siya lang talaga ang kasama ko ngayon. May inilapag siyang envelop sa mesa ko, mamaya ko na 'yan titingnan.

"Ms. Shinize, gusto niyo po ba nang maiinom? Baka pagalitan ako nang kuya mo kapag nakita ka niyang nangangayayat." tumingin ako sa kanya at tumawa.

"Sige, Liz, maraming salamat." sabi ko saka sumandal sa swivel chair ko. Sumasakit na ang likod ko. Iidlip ako sandali.

Umayos ako sa pagkakaupo and is about to close my eyes when someone send me a message.

Hmm? Sino kaya 'to?

Hala! Si kuya!

"Let's Skype."

I immediately open my skype at hinintay siyang tumawag.

"Hi, kuya!!" masigla kong bati sa kanya.

"Hello, Rin. Kumusta na?"

"Heto, tambak na gawain." ipinakita ko sa kanya ang tambak na papel na kailangan kong basahin at pirmahan.

"Haha. Kaya mo 'yan. Naturuan na kita niyan diba?" yes, si kuya ang nagtrain sa'kin. Pagkagraduate ko kasi, tinuruan niya agad ako, sumama rin sina Hiro, Aestine, Silver, Autumn at Hynes sa'kin dito sa opisina.

"Oo, pero nangangalay na ang mga kamay ko kaya pahinga muna."

"Sa una lang 'yan. Saka marami ka papel na pipirmahan hindi lang 'yan."

I sighed.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Umuwi ka na kasi kuya. Wala akong karamay dito sa paghihirap ko. Busy rin si Liz."

"Haha. Magtiis ka muna jan, Rin. Alam ko namang kaya mo 'yan kahit wala na 'yung tulong ko."

"Iba pa rin kapag nandito ka."

"Practice mo na rin 'yan. Teka, nasan ba si Hiro?"

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Hindi ba siya pumupunta jan upang bisitahin ka?"

"Pumupunta naman kuya. Ngayon nga lang siya natagalan eh. Ewan ko ba dun, hindi naman nagtetext. Baka may iba na." biro ko kay kuya.

"Baka nga." sinakyan niya rin ang biro ko. "May nakita kasi akong pictures sa fb. Si Hiro may kasamang babae." ay tang*ina. Nagbibiro lang ako ehh.

"Kuya, nagbibiro lang ako sa sinabi ko kanina."

"Pwes ako, hindi nagbibiro. Kahapon ko lang nakita. Wait send ko sa'yo." shit! Shit! Shit! Sana naman nagbibiro lang si kuya.

Sending...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang larawan. Tang*na, sino 'tong kasama niya? Tumawag pa siya sa'kin kagabi, tapos ito na ngayon ang makikita ko?

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon