Pagbukas ko nang cellphone ko ay agad kong tiningnan kung sinong nagtext. Siya lang pala, akala ko kung sino.
[ Is she okay? ] - a man.
"Yes, she is. Mahimbing siyang natutulog." - ako.
[ Alright then. Take good care of her for me and Thank you. :) ] aba may nalalaman pang pasmiley-smiley 'tong isang 'to.
"No worries. I know what to do. :)" syempre nilagyan ko rin ng smiley. Ano? Siya lang marunong? Siya lang may alam?
[ Tss. Ok ok Bye ] - a man.
"Okay." - ako.
Pagkatapos ko siyang replayan ay itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at gawin ang dapat kong gawin.
Autumn's Pov
Pagkapasok namin dito sa kwarto ni Rin ay inilabas ko na agad ang mga notebooks na dala ko at pati narin ang mga handouts para mamaya kopyahin nalang ni Rin pero syempre tutulungan namin isya. Napatigil ako sa ginagawa ko nang mapansin kong nagtetext si Aestine. Kita mo 'tong isang 'to, matatapos ko nang ilabas ang mga gamit ko siya, bitbit parin ang bag? At inuna pa talaga ang katext niya ha? Importanteng tao ba 'yan? o importanteng mensahe ang natnggap niya? Sino kaya 'yang katext niya? Nang matapos na siya sa pagtetext ay tinanong ko siya.
"Aestine, sinong katext mo?" curious ako ehh. Mukha kasing importante at isa pa, ngumiti siya kanina ha?
"Ahh, wala 'yun." wala? Pero grabe ang ngiti?
"Wala daw? Pero pangiti-ngiti naman." bulong ko.
"Shut up, Autumn, baka magising si Rin." inis niyang sabi. Tumahimik nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Makalipas ang ilang oras ay nagising si Rin.
"Rin, nandito ulit kami. Dinala na namin ang mga notebooks at handouts na pinaphotocopy namin para may copy karin." sabi ko pagkagising ni Rin. Oo ikalawang araw na naming bisita 'to kay Rin.
"Wala ka talagang pinapalagpas Autumn. kakagising nga lang niya, 'yan na agad ang ibubungad mo sa kanya? Ni hindi mo manlang siya muna tinulungang maupo." suway sa'kin ni Aestine. Pasensya naman. Naexcite kasi ako nung magising si Rin eh.
"Hehe. Sorry." tanging nasabi ko at tinulungan si Rin na maupo.
"Haha. Ayos lang. Pareho talaga kayong walang pinapatawad. Walang duda, magpinsan nga kayo. Pft." sabi ni Rin at tumawa. Magpinsan naman talaga kami ni Aestine ah.
"Tss. Ikaw Shinize, umayos ka, hindi kapa magaling, baka gusto mong dagdagan ko 'yang pasa mo? Magsabi kalang. Madali naman akong kausap." sarkastic na sabi ni Aestine.
"Grabe ka naman pinsan, wala ka na ba talagang awa kay Rin? Tapos dadagdagan mo pa ang pasa niya?" tanong ko kay Aestine at kumunot naman ang noo niya. Ano nananaman bang nasabi ko? Ako nalang ba parati ang may nagagawa na mali?
"Ewan ko sa'yo, Autumn." inis na sabi Aestine sa'kin. Pero di ko nalang pinansin.
Makalipas ang ilang araw na pagpapahinga ni Rin ay makakapasok na rin siya. Syempre as expected, pagkapasok na pagkapasok palang niya at katanungan agad ang bumungad sa kanya.
"Rin? Okay kana?" tanong ni Mere. kaklase rin namin si Mere Tsuji.
"Hindi ba halata?" iritang tanong ni Syl.
"Umayos ka nga Aestine. Ang bastos mo." suway ko sa pinsan kong walang modo. "Ikaw na sumagot, Rin." sabi ko kay Rin at ngumiti sa kanya. Inirapan ko naman ang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...