Chapter 7

4.5K 159 4
                                    

Ako ang naeexcite sa sinabi ni Pof.. You can't just hide. You're going to show yourself soon. Nandito kami ngayon sa room, hindi kami pumunta ng cafeteria dahil wala kaming ganang kumain. Kaya nag-usap-usap nalang kami.

"Sino kaya 'yung transfer student noh?" tanong ni Autumn. "Sana naman mabait siya." dugtong pa nito. Pero tahimik lang kami ni Rin.

"Alam mo pare ang torpe mo." sabi ni Sky Roid kaya napatingin kami sa kanya. Nasa kabilang seksyon 'yan. Palagi siyang pumupunta dito kasi nandito ang best friend niyang si Haynes Wetham.

"Bakit naman?" tanong sa kanya ni Hynes. Anak ng may-ari ng universitty. Pero hindi siya pareho sa ibang mga anak ng may-ari ng university na ang hambog, tapos akala mo kung sino. Siya, mabait at open sa lahat.

"Kasi ang torpe, 'yan 'yung mga taong nagmamahal ng palihim. Madalas nilulunok nalang ang mga salitang dapat sambitin, takot sa katotohanan kaya laging nabibitin (nakuha ko lang sa quotes na napasa sa'kin. hihi~). 'Yan, ikaw yan! Ba't ba kasi hindi mo nalang sabihin na gusto mo siya?" sabi ni Sky. Parang matatawa ako, bagay na bagay 'yung linyang 'yun sa taong kilalang-kilala ko. Hahaha.

"Grabe naman, di ba pwedeng naghahanap lang ako ng tiyempo at nag-iipon ng lakas ng loob? Hindi ko pa kasi alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya." sabi niya saka yumuko. Nahiya ang loko.

"Tol, anong akala mo sa'kin? Syempre tutulungan kita. Magkaibigan tayo ehh." sabi ni Sky saka hinimas-himas ang likod ni Hynes. Manyak ba 'tong isang 'to?

"Pota 'tol, huwag mo ngang himasin 'yung likod ko, nakakadiri ka, tumatayo balahibo ko sa'yo. 'Yung likod nalang ni Eila 'yung himasin mo." pagpipigil ni Hynes kay Sky. Napansin kong napatingin si Rin kay Sky. Bakit kaya? Saka tumingin siya ulit sa labas ng bintana. Kanina pa kasi 'to malalim ang iniisip. Nagpipigil na talaga ako ng tawa ko. Nakakatawa kasi 'yung dalawang 'to eh. Pati pala si Autumn nagpipigil na rin.

"Pft. Hahahahaha." hindi na talaga namin mapigilan ni Autumn, kaya napatawa na kaming dalawa. Tumingin silang dalawa sa'min. inirapan lang kami ni Hynes, kalalaking tao nag-iirap, bading din ba 'to? Kaya hindi nagkakagirlfriend ehh. Si Sky naman tawa parin nang tawa. Pero tama ba 'yung nakita ko? Namumula ang pisngi ni Hynes. Uy, nahiya, pero kanino naman kaya? Ehh, kami lang naman dito ang tao. Hahaha.

"Anong nakakatawa Aestine at Autumn?" seryosong tanong sa'min ni Hynes pero namumula parin.

"Wala naman, may naalala lang kami." sagot namin kat Hynes, pero tawa pa rin kami nang tawa. Tumayo siya at lumabas ng room. Napikon ata, pero halata na in love siya. Sino naman kaya ang swerteng babaeng 'yun?

"Tsk." sabi niya bago lubusang lumabas.

"Teka lang naman Hynes, huwag mo kong iwan dito, Uy!" sigaw ni Sky saka sinundan si Hynes. nang makalabas ang dalawa ah tumingin ako kay Rin na nasa labas parin nakatingin ni hindi manlang natawa sa ginagawa nung dalawa. Seryoso ko siyang tinitingnan, sinusubukan kong alamin kung anong iniisip niya pero hindi ko talaga kaya. Minsan mahirap basahin ang baabeng 'to. Teka saan naman kaya pumunta si Prof. Cross? Hindi nanaman siya nagklase sa'min. Pero ayos na rin 'yun, 'yun nga lang kung  makapagbigay ng test eh parang hindi namin makikita sa libro 'yung pinanglalagay niya. Si Rin at Mere lang ang nakakakuha ng mataas na score pero minsan ako din. Hehe~

"Rin, --" sabi ko out of the blue. Pero parang hindi niya ako naririnig. Napatingin na din sa kanya si Autumn.

"Uy, Rin." nagsalita na rin si Autumn at hinawakan niya ito sa braso kaya bumalik si Rin sa lupa nasa himpapawid ata siya eh. Tss. Tumingin siya sa'min. Anong nangyari sa babaeng 'to?

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon