Chapter 29

2.3K 98 1
                                        

Kira's Pov

"Mom, pupunta po ba tomorrow sa school nila kuya?" I ask my mom, who is sitting in the sofa and watching television with dad na magkahawak ang kamay at ako naman ay kabababa lang galing sa kwarto.

"Yes, darling. We will go there tomorrow. We will surprise your kuya." sabi ni mom at parang kinikilig at napayakap pa kay daddy.

"Seriously mom? Para kang teenager jan kung kinikilig. Sobra ka pa sa'kin." sabi ko at umupo sa pang-isahang sofa na nasa left side kapag nakatingin ka sa tv. "Susurpresahin lang naman natin si kuya bukas tapos kinikilig ka."

"Sweetheart, hayaan mo na ang mommy mo. Namimiss lang niya ang kuya mo." umasim ang mukha ko sa sinabi ni dad. Pinagtanggol pa talaga si mommy. Oh siya, kayo na ang mahal ang isa't isa. Tsk.

"Fine. I miss kuya too."

"See? You also miss your kuya." sabi ni mom.

"But not like you, mom. Hindi po ako kinikilig."

"Darling, hindi ako kinikilig, excited lang ako."

"Whatever mom."

"Kira." pagalit na sabi mom. Haaay.

"Love you, mom." sabi ko na naglalambing.

"Etong anak mo talagang 'to, Kevin. Manang mana sa lola." hindi na ako nagsalita pa at tinutok ang paningin sa panonood ng tv.

---

Aestine's Pov

"Aes. I have something to tell you." tawag sa'kin ni Hiro. Nagpapahinga kasi kami ulit. Nakakapagod kayang magpose at ngumiti. Wala dito si Autumn kasi niyaya ni Hynes. May kakaiba sa dalawang 'yun ha? Tapos si Silver naman ayun umalis. Badtrip mula kaninang dumating siya.

"Sure, ano 'yun?"

"Let's have a walk." tatatyo na sana ako pero muntik na akong ma-out-of-balance nang mahawakan ni Hiro ang kamay ko. "Thanks. Nakakainis naman kasi 'tong damit na 'to eh."

"No problem. Hahaha."

"Huwag ka ngang tumawa jan. Suntukin kita eh."

"Hindi bagay sa'yo."

"Tse!!" singhal ko sa kanya at nag-umpisa na kaming maglakad-lakad. "So, ano na ang sasabihin mo?"

"Kaso, nahihiya ako."

"Sa'kin ka pa talaga nahiya? Baka nakakalimutan mo, alam ko lahat ng tungkol sa'yo? Well, except for those years na hindi tayo magkasama. 'Nung lumipat kami dito sa Pilipinas."

"Ahh, oo. Ikaw nga pala ang palagi kong nakakasama. Hindi tayo mapaghihiwalay dati. Naaalala ko 'yun."

"See? So? Ano na? I'm sure it's about her."

"Yeah. Kumusta na si Rin?" tanong niya. Ba't pa kaya niya tinatanong? Ugok din 'to eh. Palagi naman kaming magkasama tapos tatanungin pa ako kung kamusta na si Rin?

"Palagi naman tayong magkasama ah?"

"No, not like that. I mean may nasabi ba siya sa'yo? Anything?"

"What are you expecting me to say?"

"Ahh, wala huw--"

"Na sabihin ko sa'yo kung may nasabi siya sa'kin tungkol sa'yo?" tama ba 'tong nakikita ko? Si Hiro? Namumula? Shocks.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon