Second update! :)
Enjoy..
***
Ilang minuto rin akong ganun at narinig kong bumukas ang pinto sa entrance namin kaya napamulat ako at napatingin sa pintuan.
"Good Evening, anak./Good Evening, kuya." sabay naming bati ni Mama pagkakita sa kanya.
"Good Evening din, Ma, Rin." sagot niya rin sa'min.
"Magbihis ka muna, anak. Ako na nagluto kasi alam kong busy sa kakaaral si Rin at ikaw pagod galing trabaho kaya ako muna ngayon."
"Opo, Ma. Sige po bihis lang ako." paalam ni Kuya kay Mama.
"Sobrang pagod po ngayon si Kuya, Ma, noh?" tanong ko nang mapansin kong bagsak na bagsak ang balikat niya. Kung wala lang sana akong ginagawa o pinagkakaabalahan tutulungan ko siya, kaso meron eh.
"Oo nga eh. Pagpapahingain ko kaya muna ang kuya mo bukas. Mukhang kulang sa pahinga." tama si Mama, parang masyadong pinapagod ni Kuya ang sarili niya. Haaaay. Matapos lang talga ang exam ko tutulong ako kay Kuya, idadamay ko na din si Ken para may kasama ako.
Malapit namang matapos sa pagluluto si Mama kaya inihanda ko na ang mga plato.
"Ma, puntahan ko muna si Kuya." paalam ko kay Mama. Kanina pa kasi siya hindi lumalabas ano kayang nangyari?
Kumatok ako nang tatlong beses pero hindi ako pinagbuksan ni Kuya. Napagpasyahan ko nalang na buksan ang pinto at mabuti't hindi nakalock. Pagbukas ko nakita kong bukas ang ilaw kaya tiningnan ko siya sa kama niya at dun, nakatulog. Pagod na pagod nga si Kuya. Hindi ko na lang siya gigisingin. Lumabas na ako at bumalik sa kusina. Nakaupo na si Mama at mukhang hinihintay na niya kami.
"Ma, tulog na po si Kuya." sabi ko nang makalapit ako sa kanya.
"Ganun ba? Sige. Hatidan mo nalang siya mamaya."
"Opo."
Tahimik lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Huhugasan ko muna ang mga platong ginamit namin at hahatidan ko si Kuya ng pagkain.
Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay pumunta ako sa kwarto ni Kuya. Dala-dala ko ang tray kung saan ko nilagay ang pagkain. Binuksan ko ang kwarto ni kuya, medyo mahirap nga kasi may dala ako pero success naman kasi nabuksan ko. Inilapag ko sa bed side table niya ang tray. Kumuha ako ng papel at sumulat, pagkatapos ay umalis na rin. Dahan-dahan kong isinara ang pinto baka kasi magising siya.
Naabutan ko namang nanunuod si Mama nang tv.
Magpapaalam na ako sa kanya na mauuna akong aakyat sa kwarto, mag-aaral kasi ulit ako.
"Ma, akyat na po ako."
"Sige anak, magpahinga ka na rin ha? Baka magkasakit ka. Siya nga pala, tulog pa rin ba Kuya mo?" tanong at paalala sa'kin ni Mama.
"Opo, Ma. Hihintayin niyo nalang po ba siyang magising?" sagot ko rin sa kanya.
"Hindi na siguro. Sige umakyat kana." pagsabi nun ni Mama ay umakyat na rin ako. Naghalf-bath muna ako at dumiretso na sa pag-aaral.
*** Next Morning ***
Madaling araw na akong nakatulog mga 2 am na ata. Teka, anong oras na ba? Napabalikwas ako bigla, pano ba naman 6:15 am na, eh 7 am yung klase ko, patay ako nito.
Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Binilisan ko lang. Pagkatapos ay nagbihis na at bumaba.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
