Chapter 32

2.4K 90 0
                                    

Autumn's Pov

Talagang nakakabingi ang katahimikan. Pakira,dam ko pa nga, may mamumuong hindi pagkakaunawaa, sana naman wala lang 'tong nararamdaman ko. Huwag naman sanang maulit 'yung nagalit samin si Rin.

Malapit na kami sa Cafetroa kasi nga naugutom na kami, break muna. Nakakapagod din kaya.

Habang naglalakad kami may naririnig akong usap-usapan.

"Grabe ang gaganda talaga nila at ang guguwapo pa."

"Swerte ang makakasama nila."

"Oo nga."

"Wait, diba sa section nila sina Hiro, Silver, Aestine, Autumn at Hynes lang 'yung sa Gods and Goddesses nila? Eh sino 'yung nasa harapan ni Silver?"

Hindi nila nakilala si Rin? Kung sabagay, medyo nag-iba nga ang itsura niya. Haha. Bahala kayong mag-isip kung sino siya.

"Oo nga noh?"

"Ang ganda niya. Para siyang si Aphrodite."

"Sinabi mo pa. Pero teka, parang pamilyar siya."

"Oo nga no?"

"Hindi kaya si Rin 'yan?"

"Si Ms. SR Pres?"

"Oo."

"Hala! Oo nga no?"

Ayun nadali rin.

Umupo na kami sa bakanteng upuan na nakita namin.

"Narinig mo 'yun Rin? Hindi nila alam na ikaw 'yung kasama namin. Medyo nag-iba kasi ang itsura mo." sabi ko nang makaupo na kami.

"Ganun ba? Pasensiya na hindi ko narinig eh."

"Ahh, ganun ba? 'Yun kasi ang mga sinasabi nila. Baka hindi lang sanay."

"Siguro." hindi narinig? Eh ang lakas lakas nun. Wala nga 'to sa sarili. Hays.

"Anong gusto niyo?" tanong ni Hynes na katabi ko ngayon. Mahkatabi si Silver at Rin ganun din sina Hiro at Aestine. Pakiramdam ko talaga may kakaiba sa kanila.

"Treat mo ba?" tanong ni Rin.

"Oo ba."

"Baka ipatawag kami ng Dean niyan ha? Baka sabihin niya inaabuso namin an anak niya." sabi naman ni Aestine.

"Hindi no. Minsan nga lang 'to eh."

"Oh, siya bahala ka. Burger at saka lipton."

"Hmm? Ano kayang masarap kainin?" umaaktong nag-iisip. Saka tumingin kay Rin. "Anong kakainin mo?"

"Hmm? Cheese burger lang at saka lipton din."

"Ganun din ako."

"Ok, ikaw Hiro?" tumingin kami kay Hiro at laking gulat namin na nakatingin lang siya kay Rin. Sigurado rin ako na nagulat din ang mga kasama namin.

"Hoy! Rove! Tinatanong ka kung anong sa'yo?" pukaw ni Aestine sa kanya.

"Ahh, 'yung kay Asral, ganun na rin sa'kin."

"Asral?" sabay na sabi naming apat.

"Oo, tawagan namin 'yun."

"Tawagan?" this time tatlo nalang kami ang nagreact. Ako, si Hynes at Silver. Tumingin ako kay Rin at nakakunot lang ang noo niyang nakatingin kina Aestine at Hiro.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon