Chapter 12

3.8K 141 6
                                    

This will be the first update this month. Baka twice a month po ako mag-uupdate. Pero di ko lang po alam this month kasi Mid Term is appraoching na po. But still I'll try my best para makaupdate.. Salamat po ng marami sa patuloy na nagbabasa at sa nag-add po ng story na ito sa Reading List nila.

Enjoy po...

***

Rin's Pov

Nandito kami ngayon sa corridor. Syempre tambay nanaman, free time namin eh. Kanina nagwala ako sa rooftop, doon ko nilabas lahat, kasi kapag di ko 'yun nilabas, baka madagdagan ang pagiging baliw ko. Haaaay, buti nalang dumating sila.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Malalim pa rin kasi hanggang ngayon ang iniisip ko.

"Oh, Rin, malalim pa rin ba ang iniisip mo?" tanong sa'kin ni Autumn. Masyado na ba akong halata?

"Ah, wala lang 'to. Huwag niyo na lang akong pansinin." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Huwag kang pansinin? Kanina pa kami daldal nang daldal dito tapos hindi ka nakikinig. Ano ba kasing problema mo?" singit ni Syl, isa pa 'to eh, may pagkachismosa din. Pero mukhang kailangan kong sabihin sa kanila, para naman gumaan pakiramdam ko.

"Nasabi kasi sa'kin ni kuya na may girlfriend na raw siya." pagsisimula ko. Tumingin muna ako sa kanilang dalawa at tahimik lang ding nakatingin sa'kin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

I sighed before I continue at tumingin sa labas ng bintana.

"Naalala kong tanungin sa kanya kung kailan naging sila kasi wala siyang nabanggit sa'kin na may nililigawan siya. Tapos sinabihan niya ako na sa tanong ko raw na'yun ay maaaring magalit ako. Magti-3 years na sila pero hindi ko pa rin sana malalaman kung hindi niya sinabi. Sinabi niya rin na kilalang kilala ko raw 'yung girlfriend niya. Eh, wala naman akong maisip kung sino 'yun. Pinanggiitan niya talaga na baka magalit ako." dugtong ko. Ayan nanaman, tutulo nananaman siya.

"Baka nga magalit ka." mahinang sabi ni Autumn.

"Kapag ba nagalit ako, may magagawa ba 'yun? Mapaghihiwalay ko ba sila? Hindi naman diba?" sagot ko sa sinabi ni Autumn. Tahimik lang si Syl pero tingin ko nag-iisip din 'to kung sino 'yung girlfriend ni kuya. "At isa pa, nangako siya na walang lihiman, tapos siya pala 'tong naglilihim." pagtutuloy ko.

"Kung hindi mo sinabi na nangako siya sa'yo na walang lihiman iisipin ko talagang mababaw ang reason mo, Rin. But why don't you listen to his reasons first? Malay mo kailangan niya lang talagang itago muna sa'yo na may girlfriend na siya." si Syl naman ang nagsalita tama si Syl, kailangan ko ring pakinggan ang side ni kuya. Nainis kasi ako agad.

"Basta, Rin, nandito lang kami para sa'yo." nagpapasalamat talaga ako sa kanilang dalawa. May masasabi din palang maganda si Autumn.

"Mhm." tumango ako at saka ngumiti sa kanila.

Pumasok na kami sa room for our last period. Kailangan kong makinig dahil dalawang klase na kase ang hindi ko napakinggan. Next week na kaya ang exam namin.

Isang oras ang nakalipas at tapos na kami sa huling subject namin. Hindi ko masyadong naintindihan ang nilesson ni prof. Hihingi nalang kami ng handouts mamaya.

*LUNCH*

Nandito kami ngayon sa canteen. Dito kasi kami nagla-lunch. Niyaya nanaman ni Aestine at Autumn sina Hiro at Max. Haaaay, hindi talaga sila marunong makiramdam. Mga walang pakiramdam. Tsk.

Kumakain na kami ngayon. Dalawa lang kami ni Syl sa upuan habang nasa harap namin sina Hiro, Max at Autumn. Pumagitna talaga si Autumn sa kanilang dalawa.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon