Chapter 48

2.3K 109 4
                                        

A/N: An update for you... Thank you for waiting...

***

Pagkatapos nang klase ay umuwi na ako. Diretso bahay. Nagyaya pa sana sina Autumn at Hynes na gumala pero excited ako sa mangyayari mamaya kaya umuwi na ako.

"Ma?" tawag ko kay mama.

"Oh, anak, narito ka na pala? Ang aga mo ngayon. Hindi ba nagyaya sina Autumn na gumala?"

"Nagyaya po."

"O, bakit di ka sumama?"

"Pass muna ako, Ma."

"Okay. Ah, siya nga pala, pupunta daw rito sina tita mo Niña."

"Lahat po sila? Pati si Ken?"

"Oo. Kaya heto at naghahanda ako."

"Sige po, Ma. Magbibihis lang ako saka, tutulungan ko po kayo jan."

"Sige."

Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na at tinulungan si Mama.

Makalipas ang isang oras at kalahati ay dumating si kuya at tumulong na rin.

Ang dami naming hinanda, parang may fiesta lang.

Nang mag 7 pm na ay natapos na namin ang paghahanda at makalipas ang ilang minuto ay dumating na sina Tita Niña. Tama si Mama, kompleto na sila.

Ngumiti lang ang mokong nang magkatinginan sila ni kuya. Pero nang kami na ang nagkatinginan, yumuko lang siya. Tss. Mukhang tama nga si Max ahh.

Hindi ko tinantanan nang tingin si Ken. Pinaseryoso ko ang mukha ko. Tingnan natin. At si Kuya? Ganun rin. Haha. Partner in crime kami nito ehh.

"Niña." sabi ni mama, saka yumakap kay tita.

"Mila." yumakap din pabalik si mama. "Pasensiya kana at hindi kami nakarating 'nung New Year ha? Pumunta kasi kami sa bahay nina Mama."

"Naku, ano ka ba. Ayos lang."

"Pero mukhang hindi ayos sa dalawa." sabi ni tita saka tinuro kaming dalawa ni kuya.

"Actually, tita. Ayos lang naman sa'min at hindi kami galit sa inyo ni Tito. Ang bastos naman siguro namin kung sa inyo kami magalit diba? Kaya, sa isa na lang jan. Para hindi bastos." sabi ni kuya. Muntik na akong matawa doon ha?

Tumawa si lang si tita at tito.

"So pano ba 'to? Mukhang masasabunan ang anak namin."

"Talagang masasabunan, tita. Kaya hali na po kayo, nang maumpisahan na ang pagsasabon sa isa diyan." sabi ko naman.

Pumunta na kami sa hapagkainan at kumain.

Nag-usap sina Mama, Tita at Tito. Kaming tatlo naman ay tahimik lang hanggang sa basagin ko.

"Ahm, tita. May girlfriend po pala si Ken?" inosente kong tanong.

"Ahh, oo, Rin. Meron na. Hindi binanggit ni Ken sa'yo?"

"Ahh, ganun po ba?" tanong ko kay tita saka tumingin kay Ken. "Hindi ko po kasi alam." sabi ko saka ngumiti kay Ken.

Bumaling si tita kay Ken.

"Hindi mo pala nasabi kay Rin?"

"Hindi po Mom."

"Ahh. Ikwento mo kaya sa kanya."

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon