Chapter 37

2.6K 115 8
                                        

I'm planning to finish this story sa December na 'to. Hahaha. Medyo matagal na rin eh.

Here's another update for you.

***

Autumn's Pov

Sa wakas natapos din namin. Nakakapagod pero ayos lang. Worth it naman, nanalo kami sa booth or theme eh. Panigurado may celebration ang section namin. Whoooooo.

Pero...hindi pa rin ako nakakamove-on kina Rin at Silver. Bakit hindi namin alam? Bakit hindi manlang nagsabi si Rin?

Kasalukuyan ko kasi silang tinitingnan. Tinutulungan ni Silver si Rin sa paglilinis tapos maya-maya kukulitin na niya si Rin. Ang sweet naman ni Silver. Ano kaya ang pakiramdam kung siya ang boyfriend mo? Nakakainis naman kasi. Nagbreak kami ng boyfriend ko. Tss. Manloloko pala ang ugag. Walang hiya. Pero buti nga rin 'yun sa kanya, nang dahil sa niloko niya ako, niloko rin siya ng babaeng pinalit niya sa'kin. Karma mo bes. Hmpt.

"Uy, ba't ang talim ng tingin mo sa kanila?" tanong ni Aestine.

"H-huh? Ah, wala." kasama niya pala si Hiro.

"Selos ka rin?"

"Duh!! Of course not!"

"'Yan din ang inaasahan kong sagot ni Rin kanina sa tanong ni Ken sa kanya. Pero hindi."

"Huh?" anong tinutukoy nito?

"Wala. Don't mind me."

"O-okay."

"You, dumbass." sabi niya kay Hiro at tinuro. "Ang bagal mo."

"Tss." 'yun lang ang sagot ni Hiro. Anong mabagal si Hiro?

"Sinasabi mo, Aestine?"

"Wala."

Tsk. Wala raw.

"Autumn. Tapos na kayo?" biglang singit ni Hynes.

"Oo. Nakakapagod nga eh."

"Wala naman tayong pasok bukas kaya makakapagpahinga tayo." sabi ni Hynes. "Gusto mong buhatin kita?" tanong niya.

"H-Huh? Hindi na. Mabigat kaya ako." pagdadahilan ko. Nahihiya kasi ako kay Hynes. Ang bait bait niya sa'kin.

"Walang problema."

"Pagod ka rin."

"Ayos lang ako."

"Huwag na, Hynes. Kaya ko pa namang maglakad."

"Hindi kita tatantanan kung hindi ka pumayag."

"Ehh, Hynes naman eh."

"Umuo kana."

"May magagawa pa ba ako?"

"Wala na." sabi niya lang saka ngumiti.

"Fine." mapilit eh.

Rin's Pov

Nagyaya na silang umalis. Nauna na kasing umuwi ang mga parents namin. Hindi na nakausap ni kuya si kuya Xenon dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan ngayon araw.

"Rin! Angkas ka sa likod ni Silver!" sigaw ni Autumn. Nagdesisyon kasi kami na maglakad na lang pauwi. Kaya eto naglalakad na kami.

"Huh? Hindi na uy, mabigat ako." sabi ko. Nakaangkas kasi siya sa likod ni Hynes.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon