Chapter 51

2.4K 96 0
                                    

A/N:

Hey~ Everyone. I'm back. I'll try to update twice a week. :) :) :)

For now, ito muna..

***

Rin's Pov

This is it. This is the day!

Maaga ako ng nagising. Nauna pa akong nagising kay Mama. Ano ba? Eh, sa excited ako ehh.

I do my morning rituals pagkatapos ay bumaba para maghanda nang agahan. Magugulat nanaman sina mama at kuya nito.

Malapit na akong matapos sa pagluluto nang marinig ko ang yabag ni mama.

"Ang aga mo ata, anak. Excited ka ba ngayon?"

"Opo. Punta kayo ma ha? Date tayo."

"Akala ko ba, si Hiro ang kadate mo ngayon? 'Yan ang kwento mo kahapon."

"Opo, Ma pero pwede rin naman tayong magdate kasama si kuya."

"Merong Maisha ang kuya mo."

"Ayos lang 'yan ma." nilagay ko sa pinggan ang niluto kong bacon. "Magdedate tayong tatlo."

"Talaga? Ayos lang naman nak kung dito lang ako."

"No, ma. Pupunta ka." sabat ni kuya. Nandito na pala siya.

"Kuya's right ma. Pupunta ka. Sabay na kayo ni Kuya. Mamaya pa naman 'yun."

"Eh, kung mamaya pa pala. Ba't ang aga mo, Rin?" tanong ni kuya sa'kin.

"Bakit? Hindi ba ako pwedeng magising nang maaga?"

"Hayaan mo na ang kapatid mo, Kenzie. Excited lang 'yan sa date nila ni Hiro mamaya."

"Ma!"

"Haha. Kaya pala."

"Ewan ko sa'yo kuya. Maligo ka na dun, at mag-aagahan na tayo." tumawa lang si kuya sa sinabi ko saka pumasok ulit sa kwarto niya para maligo.

---

"Ma, susunduin kita dito mamaya. Sabay tayong pupunta sa school nina Rin."

"Sige, anak. Ingat kayo."

"Bye, Ma." paalam ko.

Nakangiti ako buong biyahe at mabuti na lang hindi ako tinutukso ni kuya.

"Text mo na lang ako kapag papunta na kayo ni Mama, kuya ha?"

"Ok. Ingat."

"You too."

Dumiretso na agad ako sa room.

Madami nang mga estudyante. Halatang excited.

"Rin! Good Morning!" bati agad ni Mere sa'kin.

"Good Morning, din"

"Mukhang excited ang mga tao ngayon ah. Maraming maaga." sabi niya saka bumungisngis.

"Oo nga eh. Sa'yo pa lang halata na."

"Hindi naman. Palagi naman akong maaga."

"Sa iba mo 'yan sabihin, huwag sa'kin." sabi ko saka tumawa.

Nag-umpisa na kaming ayusin ang medyo nagulo naming mga design. Mayroon pa kasi kaming naiwan kahapon na gawain pero konti lang naman.

It is 6:15 am, we still have time to finish this.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon