Rin's Pov
Kinakabahang tumingin ako sa kanila. Nahihiya ako. Ano ba naman kasi 'tong pakulo nina Mere at Silver. Dinamay pa ako.
"Tumingin ka sa paligid." bulong sa'kin ni Max na siyang napaigtad sa'kin.
Sinunod ko naman ang sinabi ni Max. Tumingin ako sa paligid. Isa-isa ko silang tinignan. Napadako ang tingin ko kina Hiro at Syl. Hanggang ngayon magkasama pa rin sila at ang mas malala pa nakaakbay si Hiro kay Syl. Ang sakit ah. Mapait akong napangiti.
Bumaling ako kay Max ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat.
"Huwag masyadong masaktan." sabi niya sa tonong kami lang ang magkarinigan.
"Anong huwag masyadong masaktan? Eh kung sipain kaya kita jan." nanggigigil kong sabi.
"Hahahahahaha!!! Kaya mo ba?" nang dahil sa pagtawa ni Max naagaw namin ang atensyon ng lahat.
"Mga te, mukhang may kakaiba akong naaamoy sa dalawang 'to." sabi ng isa naming kaklase.
"Oo nga eh." sang-ayon ng isa.
"Mga te! Ano ba talagang meron sa inyo? Sina Aestine at papa Hiro parang ganoon din. Diba mga bakla?" sabi ng bading na kaklase namin. Ouch.
"Oo nga. Kanina pa sila nagkakatuwaan jan at parang ang sweet-sweet pa." sabi ng isa.
Hmpt. Paki ko naman.
Nasasaktan ka naman.
Shut up brain.
"Ehem. Guys, tara na! Picture tayo." pag-iiba ni Max. "Come. on!" dagdag niya saka ako hinila. "Smile." baling niya sa'kin.
"Grabe ang ganda mo, Rin." sabi agad sa'kin ni Autumn nang makalapit sila ni Hybes.
"Sinabi mo pa." sabi naman ni Hynes.
"Salamat." nahihiya kong sabi.
"Syempre! May kontribution ako dito noh." sabi ni Max at inakbayan ako.
"Namimihasa ka na sa kakaakbay sa'kin huh?"
"Haha. Masanay ka na."
"Ha-ha."
"Groufie tayo!" suggest ni Autumn.
"Sinong hahawak?" tanong ni Mere.
"Ako na." sagot ni Hynes. "Come here, Autumn." sabi niya saka hinila si Autumn. Hmm? Teka? May naamoy akong kakaiba sa kanila.
"Ok, everyone, come closer!" sigaw ni Max at nagsilapitan naman ang mga gustong mapasali.
Hinigit ako ni Max palapit sa kanya kasi baka maipit ako. At sa kamalas-malasan nga naman. Si Syl ang nakatabi ko.
"Mukhang gustong-gusto ng Maxwell na 'yan na akbayan ka ah." sabi ni Syl.
"Hayaan mo siya. Kaibigan ko naman siya eh." sagot ko nang hindi siya tinitignan.
"Oh. Okay."
"Everyone! Say cheese!" sigaw ni Hynes habang nakaakbay kay Autumn.
"CHEESE!" sigaw ng lahat.
"Another pose." sabi ulit ni Hynes.
Pagkasabi 'nun ni Hynes ay nag-iba ng pose ang mga kasama namin. Si Mere nagpeace sign pose kasama si Kathyryn. 'Yung iba naman nagkanya-kanya na.

BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...