Chapter 47

2.4K 99 2
                                    

A/N: pasensiya na ngayon lang ulit nakapag-update... this is it.. enjoy reading...

***

Rin's Pov

Naging masaya ang Christmas at New Year vacation namin.

Nung Christmas ay kasama namin ang pamilya nina Hiro at napagkasunduan nina mama at tita Myka na ipagkasundo kami. Nakakagulat, oo. Muntik pa pa kaming magkatampuhan ng mga magulang namin. Tapos nung New Year nasa bahay lang kaming tatlo.

Ngayon naman ay babalik na kami sa eskwelahan. Tapos na ang vacation. Ang bilis nga ng panahon.

"Rin!!" napalingon ako sa tumawag sa'kin para magkasabay na kami papuntang room.

"Oh, Mere! Good Morning." bati ko sa kanya.

"Good Morning din." bati niya pabalik. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Kamusta ang Christmas at New Year vacation mo?"

"Ayos lang. Masaya." sagot ko at naglakad na kami. "Ikaw?"

"Masaya rin." tsaka siya ngumiti. Makikita mo ngang masaya ang naging bakasyon niya.

"Halata nga." sabi ko saka kami tumawa.

Konti pa lang ang mga estudyante sa corridor maging sa mga classrooms. Sabagay, maaga akong umalis nang bahay at ganoon din si Kuya.

Narating na namin ang room at konti palang kami. Pumunta kami sa kanya-kanya naming upuan. Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko saka ako pumunta kay Mere para ipagpatuloy ang pag-uusap namin. Umupo nalang ako sa mesa niya.

"Ano bang nangyari? Magkwento ka naman."

"Doon ako kina Xenon nag-Christmas kasama ang pamilya ko. Tapos nung New Year, sila nang pamilya niya naman ang pumunta sa amin."

"Diba, kapatid ni Xenon si Nickle?"

"Oo."

"Kamusta siya?" ano na kayang balita sa kanya? Ang tagal din naming hindi nagkita o kahit magkasalubong man lang sa corridor. Ang huli ata naming pagkikita eh 'yyung issue kay Maisha. Ang tagal na 'nun.

"Ayos naman. Pala-ngiti naman pala siya tsaka nag-uusap din kami. Akala ko nga ayaw niya sa'kin kasi hindi niya ako tinitingnan kagaya 'nung una naming pakikita kaya ako na ang naunang kumausap sa kanya at napalagay naman ako. 'Nung una ko kasing akala sa kanya, masungit siya, 'yun kasi ang naririnig ko sa ibang mga estudyante."

'Tama ang narinig mo Mere' gusto ko sanang sabihin sa kanya pero sinarili ko na lang. Baka mag-iba pa ang iisipin niya tungkol kay Nickle.

"Ikaw? Saan ka nag-Christmas at nag-New Year?"

"Hmm? Kina Hiro kami nag-Christmas. Tapos sa bahay lang 'nung New Year."

"Kina Hiro kayo nag-Christmas? Hmm? Anong meron sa inyo ni Hiro, huh?" mahihimigan ang panunukso sa kanyang boses at lalong-lalo na ang kanyang mga tingin.

"It's not what you are thinking. Magkaibigan kasi ang mga mama namin kaya naimbitahan kami sa kanila."

'Haha. Hindi pa namin pwedeng sabihin ang tungkol doon'

"I see." sabi niya pero alam kong hindi pa rin siya nainiwala.

"It's the truth."

"Okay."

Ilang pangyayari pa nung vacation ang napag-usapan namin nang unti-unting nagsidatingan ang mga kaklase namin kaya naging maingay na. Nagkanya-kanya na sila nang kwento sa nangyaring bakasyon nila.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon