Xenon's Pov
Tumatakbo ako ngayon dahil hindi ko makita si Kenzie, uwian narin naman. Saan naman kaya 'yun nagsusuot. Haist! Ang lalakeng talagang 'yun. May nakita akong pigura ng lalakeng nakatayo na pamilyar na pamilyar sa'kin. Nasa labas na rin naman kasi ako ng university. Parang may kausap ang kaibigan kong torpe kaya hindi nagkakagirlfriend eh. Tss.
"Oh, Kenzie, hindi mo manlang ako hinitay!" sabi ko sa kanya nang makalapit na ako. Hinihingal pa ako. Pano ba naman kasi eh kanina pa ako takbo ng takbo sa kakahanap sa lalakeng 'to. Napatingin ako sa babaeng kausap niya. nakatingin lang siya sa'min kaya binati ko narin. "Yo!" cool ko noh? Haha. Ito talagang si Kenzie maparaan. Gusto niyang manligaw mag0isa, ayaw niyang magpasama. Lumelevel-up na siya huh? Pero infairness maganda ang babae.
"H-hello." nauutal niyang bati pabalik. Ganda ng taste ng best friend kong gwapo pero lamang lang ako ng dalawang spray ng pabango, dahil mukhang mabait. Matanong na 'tong lolo niyo.
"Halika nga dito, Kenzie." sabi ko tsaka hinila ko siya palayo sa babae pero di naman gaanong kalayo talaga, mga ilang inch lang naman, para hindi marinig nung babae ang pag-uusapan namin.
"Sino 'yun? Uy, ikaw ha? Dumadamoves kana mag-isa." biro ko sa kanya. Tamang-tama lang ang lakas ng boses ko para madinig niya. Inakbayan ko kasi siya.
"Anong dumadamoves kajan. Nagkabanggaan lang kami." inis niyang sagot at tumingin sa ibang direksyon.
"Tss. Anong pangalan niya?" tanong ko. Eh hindi naman pala siya dumadamoves ehh, edi ako nalang.
"Ano ka! Ikaw magtanong sa kanya, kung ano pangalan niya." sabi niya sa'kin saka umalis sa pagkakaakbay ko. Lumingon kami sa kinatatayuan ng babae kanina pero wala na siya. Nasan na 'yun? Tiningnan ko si Kenzie at nadismaya ang lolo niyo nung wala na ang babae sa kinatatayuan niya kanina.
"Halika na nga! Tss." tss. haha. Tinamaan ang gwapong kuya ng sambayanan. Hahahaha.
Maisha's Pov
Makalipas ang ilang araw hindi ko na din nakakasalubong ang kuya ni Rin. Nakakatakot kasi 'yung aura niya. Naglalakad kami ngayon nina Eila at Nickel.
"I need to go now, girls. See yah tomorrow." sabi ni Nickel at bumeso sa'min ni Eila.
"Okay girl, take care." talagang mag-ingat ka baka mamaya, maaksidente ka. Naku mahabaging zeus, sana nga maeksidenta siya. Hihi, sama ko noh?
"Sige ingat." 'yun lang ang nasabi ko. Nang makaalis na si Nickel ay dumating nadin ang sundo ni Eila. Ngayon mag-isa na ako. Naglalakad lang din naman kasi ako pauwi kahit na malayo ang bahay namin. Wala lang feel ko lang. Diridiretso lang akong maglakad nang may kumalabit sa'kin. Nilingon ko kung sino, OMG! ANG KUYA NI RIN.
"Hello." sabi niya nang nakangiti, buti wala na 'yung dalawa kung hindi patay ako nito.
"Hello din po, ku--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Kenzie, diba sabi ko sa'yo, huwag mo na akong tawaging kuya at kunin mo na rin 'yung po." paalala niya sa'kin.
"Oo, Kenzie." medyo naiilang pa ako dahil parang wala naman akong galang pag 'yun 'yung sinabi ko. Eh pero 'yun 'yung gusto niya eh.
"Ayan." nakangiti niyang sabi. Nakakainis naman, ba't parang namumula ang mukha ko. Ang init kasi ng pisngi ko. Tumahimik kami pareho dahil hindi namin alam kung anong pag-uusapan namin. "Pauwi ka na?" basag niya sa katahimikan namin. Nakakabingi kasi minsan ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomansPrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...