Chapter 50

2.5K 102 3
                                        

Pasensiya na po na nahuli ang pag-update... Busy po kasi... babawi ako kapag Christmas break na...

Happy Reading... :)

***

Rin's Pov

Maraming araw na ang nagdaan at ngayong araw na ang Valentine's Day celebration kaya maraming estudyante ang nagtatakbuhan. Nagtatakbuhan sa kakahanap sa'ming mga Officers.

Nandito ako ngayon sa nakita kong pwedeng taguan noong isang araw. Sa auditorium. Hindi nila ako makikita dito.

"Hala nasan na si Mere? Nandito lang siya kanina ah." rinig kong sabi nang isang lalaki.

"Si Mere ba talaga 'yun?" tanong naman kasama niya.

"Oo. Siya 'yun. 'Yun 'yung damit na nakita ko kanina na suot niya." napatawa ako nang mahina sa narinig ko.

"Eh nasan na siya?"

"Hindi ko alam, bigla nalang siyang nawala eh."

"Ang tahimik naman dito. Baka wala talagang tao. Namamalik mata ka lang siguro."

"Baka nga."

"Tara, sa iba tayo maghanap."

Narinig ko ang mga yabag nila na papaalis na sa Auditorium. Nakahinga ako nang maluwag. Natawa nanaman ako nang maalala ko ang sinabi nang isang lalaki kanina.

Paano naman ako hindi magiging Mere eh, nang nasa SR Office kami lahat kaming mga Officers ay nagpalit-palit nang damit. Oo alam ni Hiro ang tungkol dito pero hindi niya ako mahahanap kasi hindi niya naman alam kung kanino ako nakipagpalit nang damit.

Tatayo na sana ako nang may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako patago sa isang kwarto sa likod nang stage.

'Shit! Nahuli ako? Sino 'to?'

"Shh. It's me." napalingon ako nagsalita.

"Hiro?" bulong ko. Nginitian niya lang ako. Wala na nahuli na ako. Niyakap niya ako para mas mapalapit ako sa kanya. Nandito kami sa isang room.

"Pare, may narinig ako kanina dito na tumatawa."

"Sigurado ka?"

"Oo, hanapin natin."

Kinakabahan ako. Paano kung makita nila ako dito? Kainis pwede pa naman ang agawan, basta madala lang ang officer na nakita sa stage na walang galos at hindi nasaktan kasi kapag ganun, disqualified.

"Doon pare, sa likod nang stage."

Shit!

Nanginginig na ako.

"Shh. Don't worry. I won't let them have you. I'll get out."

"No, please."

"Stay here and wait for me. Don't get out." sabi niya saka ako hinalikan sa labi. "I'll be back." at lumabas na siya.

"Oh? Hiro? Nandito ka pala?"

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Naghahanap din."

"O? May nakita ka?"

"No. No one's here. I've been roaming around."

"Ganun ba?"

"Sige tara na."

Hindi ko na narinig ang boses nila. Mukhang nakaalis na nga. Hindi ako aalis dito, babalik pa si Hiro.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon