Chapter 25

2.7K 115 9
                                    

Here's the update everyone.. :)

***

Rin's Pov

Sinasagad ng babaeng 'yon ang pasensya ko. Mabuti nalang at nakapagpigil ako, dahil kung hindi, hindi ko rin alam kung anong magagawa ko sa kanya.

"Ahm, Rin?" tawag sa'kin ni Maisha. Hila-hila ko kasi siya palabas ng University. Nadamay na siya. Walang hiya kasi ang babaeng 'yon ehh. Sarap kaladkarin.

Sa'kin may galit 'yung babaeng 'yun tapos dinamay si Maisha. Iba rin naman ang takbo ng utak 'nun. Bakit kaya hindi pa siya pumunta ng mental, baka maluwag ang turnilyo niya.

Hindi ko pinansin si Maisha, baka bigla ko siyang masigawan mamaya. Kapag galit pa naman ako, hindi ko kilala ang taong kaharap ko. Kasi ako, kapag galit, galit talaga at huwag na huwag mong sagarin.

"Rin..." may pag-aalinlangang tawagsa'kin ulit ni Maisha. Maya-maya pa ay may narinig akong yabag ng mga paa. Ah, sila Syl na'to. Pero kahit na. Ayoko ko munang may maka-usap. Mahirap na.

"Rin! Hintay!" sigaw ni Syl.

"Sandali lang, Rin!" sigaw din ni Autumn. Hindi ko sila nilingon. Naiinis ako, nagagalit. Konting-konti nalang sasabog na. Ano ba kasing problema ng babaeng 'yon?

Walang salitang lumabas sa bibig ko hanggang sa makarating kami sa waiting shed sa labas ng university. Nilagay ko ang bag ni Maisha sa bench at pinaupo siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si kuya., pagkataposay naupo sa pinakadulo ng bench at nagpadikwatro, malayo kay Maisha. Mabuti nang ganito.

"Rin, Maisha." sabi ni Syl nang makarating sa waiting shed na hinihingal.

"Mai, ayos kalang ba?" rinig kong tanong ni Autumn.

"Mm. Medyo." sagot lang ni Maisha.

Katahimikan ang namutawi pagkatapos sagutin ni Maisha ang tanong ni Autumn at nakaramadam ako na para bang may nakatingin sa'kin at alam kong sila 'yun. Alam na nila Autumn at Syl ang gagawin kapag ganito ako.

"Ano ba kasing problema ng babaeng 'yon? Ba't ka ba niya sinaktan? May nagawa ka bang hindi maganda?" maya-maya'y tanong ni Autumn.

"Wala naman akong ginawa na hindi maganda. Nalaman kasi nilang boyfriend ko ang kuya ni Rin kaya ayun, sinaktan ako ni Nickel." sagot ni Maisha. Nakakairita sa pandinig ang pangalan ng babaeng 'yun.

"Sarap niyang katayin at--"

"Nickel!! Sandali lang! Hintay!" naputol ang sasabihin ni Autumn nang makarinig kami ng sigaw. Sigurado akong kay Eila 'yun. "Nickel, ano ba, hintayin mo naman ako." sabi ulit si Eila. Hindi huminto sa paglalakad si Nickel at ngayon ay kitang-kita na namin sila. Nang maabutan ni Eila si Nickel ay hinila niya ito paharap sa kanya. "Sandali--"

"Ano ba! Sinabing huwag mo akong susundan eh! Mahirap bang intindihin 'yun? Ha? Eila? Bobo ka ba o sadyang tanga kalang?" sigaw ni Nickel kay Eila sabay tulak dito. Mukhang hindi nila alam na may nanunuod sa kanila. "I don't need you! So back-off! Siguro naman, naiintindihan mo na 'yung sinabi ko, diba?" dugtong niya.

"Gusto lang naman kitang samahan eh. Alam kong kailangan mo ng kaibigan ngayon." malumanay na sabi ni Eila na nakaupo parin. Bwisit 'tong babaeng 'to.

"I.DON'T. NEED. ANYONE. RIGHT. NOW! NOT YOU! NOT MAISHA! NOT ANYONE! So stay away!!"

"Tinuring mo ba talagang kaming mga kaibigan mo, Nickel? Kasi kami ni Maisha, oo, tinuring ka naming kaibigan. Kung kailangan mo kami, nandito naman kami."

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon