"Ms. Shinize and Ms. Ral, you're late again?!" bungad sa amin ni Prof. Cross na naka cross-arm pa pagkapasok namin sa room.
"We're very sorry Prof. Cross, it won't happen again." sagot ko at yumuko. Si Syl naman, haaay, nakipagtitigan kay Prof., kadalawan nga niya siguro.Ni hindi nga natakot sa titig ni Prof.
"Again?! Puro kayo again...." pagrereklamo ni Prof. at bigla siyang natahimik. Bakit kaya?! Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan si Prof. Pinagpapawisan siyang nakatingin kay Syl. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nagpipigil na rin ng tawa ang mga kaklase ko. Hindi ko rin alam kung tatawa ba ako o maaawa kay Prof. Hindi na rin kasi bago to sa'min. Ganito kami tuwing nalelate.
"May we take our seat now, Professor Olivia Cross?!" madiin na pagkakasabi ni Syl kaya napatingin ako sa kanya at kay Prof. Wala talaga 'tong pinapalampas si Syl kahit mga Professor namin pinagpapawisan sa tuwing tinititigan niya ang mga ito. Nilalamig ata si Prof. kasi nakahawak siya sa magkabilang braso niya. Haha. Iba talaga 'tong si Syl. Pinunasan muna ni Prof. ang tumutulo niyang pawis at nagsalita.
"O-okay, take your seat!" sabi ni Prof. pagkatapos niyang magpunas. Umupo na din kami ni Syl. Haay, buti nalang talaga may dalaw siya ngayon. Hehe! pero napaisip ako, mabuti nga ba?
"Anong nginingiti't isiisip mo jan, Shin?" whaaaaa! Tinawag niya akong Shin, siguro okay na siya, di na siya galit.
"Hehe, wala naman, Syl." pero kahit ganun, kinakabahan pa rin ako sa kanya, nakakatakot kasi.
"Ahh." tanging nasabi niya at tsaka kumuha ng libro at nagbasa. Ganyan lagi, hindi nakikinig pero kung tanungin mo may isasagot naman. Matalino namantong kaibigan ko at syempre maganda din, pero lamang nga lang ng tatlong pabango. Hihi.
RINGGG!!
Haaay! Buti nalang at nagbell na. Ang boring ng subject ni Prof.
"Okay Class, see you tomorrow and next time don't be late, Ms. Shinize and Ms. Ral." sabi ni Prof kaya napatingin ako sa kanya pero wala na siya kaya tumingin nalang ako kay Syl at hindi nanaman ako nagkamali, tumingin pala siya kay Prof. Hahaha.
"Hey, girls, late nanaman kayo." bungad sa amin ni Autumn na ngayo'y nakatayo sa gilid ng desk ni Syl.
"Kasalanan kasi ni Shinize eh. Ang bagal kumilos." huhuhu. Oo na ako na ang may kasalanan.
"Hehe. Pasensya na Syl." sabi ko. galit nanaman siya, eh Shinize ang tawag sa'kin nun kapag galit eh.
"Haha. Cafeteria tayo." yaya sa'min ni Autumn.
"Oh, sige, tara!" masigla kong sabi. Gutom na rin kasi ako. Hinila ko na si Syl baka hindi sumama eh.
Magpapakilala nga pala ako sa inyo. Nakalimutan ko, nawili kasi ako sa kakakwento. Ako nga pala si Rin Shinize, you can call me Rin o Shin. :) 19 years old na ako at sa Haynes University nag-aaral. Si Aestine Syler Ral naman ang best friend ko, Syl ang tawag ko sa kanya at si Autumn Heartily naman ay pinsan niya. Bale tatlo kaming magkaibigan.
"Alam mo pinsan, bilib kami sa'yo." sabi ni Autumn at kinagat ang hamburger na binili niya.
"Bakit naman?!" nakakunot nuong tanong ni Syl sa pinsan niya pagkaupo niya ng upuan.
"Kasi wala kang sinasanto, pati Prof. natin pinagpapawisan na sa'yo." sagot niya sa tanong ni Syl at kumagat ulit sa hamburger. "Diba *chew* Rin?!" saka tumingin sa'kin. Ngumunguya pa nga ehh. Iba talaga ang babaeng 'to. Binalewala ko lang at sinagot ang tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/68285654-288-k861086.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...