Pasensya na po at natagalan sa pag-update. Busy po sa school. :)
***
"Oo." sagot niya saka ngumiti nang malapad.
"Sino po siya, kuya?" sino kayang maswerteng babae ang girlfriend ni kuya?
"Ipapakilala ko din siya sa'yo." nakangiti parin niyang sagot. Teka may naalala akong itanong.
"Ngayon lang naging kayo, kuya? Kasi wala kang binanggit sa'kin na may nililigawan ka. Pati kay mama wala kang sinabi." sabi niya kasi 'May girlfriend na ako' eh hindi ko naman alam na may nililigawan na pala siya. Wala siyang sinabi maski na may natipuhan lang siya. Lahat kasi nang tungkol kay kuya alam ko, palagi kasi siyang nagkukwento pero regarding this matter? His lovelife? I don't know anything, and one more thing, nahahalata kong hindi manlang umimik si mama, don't tell me alam din niya? Hindi kasi siya nagulat sa sinabi ni kuya.
"Sa tanong mong 'yan, Rin, baka magalit ka sa'kin." nawala ang mga ngiti ni kuya. Baka magalit ako? Bakit kailan ba naging sila? Ayos lang sa'kin kung ilang buwan palang pero kapag taon. Ay! Ewan ko na lang. So pati si mama alam? Kung ganoon, ako lang ang walang alam.
"Bakit kuya?" naging seryoso na 'yung tono ng boses ko. Sana mali ang hinala ko.
"Kung may hinala ka man at kung ang hinala mo ay kung matagal na kami at kung alam ni mama, oo ang sagot Rin. Matagal na kami. Almost 3 years na. Hindi ko binanggit sa'yo kasi kilalang-kilala mo siya--"
"What?! So totoo nga. Years na pala eh. Ba't di mo sinabi kuya? Tapos kilalang-kilala ko?" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Nagulat na ako't naguguluhan. Almost 3 years? Ba't wala siyang sinasabi? Hindi naman sa hindi ko siya gustong magkagirlfriend. Nakakainis talaga. "Dahil lang ba dun? Dahil lang ba sa kilalang-kilala ko siya?" mabuti nga 'yun eh, kasi kapag iniwan niya o saktan niya ang kuya ko atleast alam ko kung saan siya pupuntahan diba?
"Oo, kaya hindi ko masabi-sabi sa'yo, baka magalit ka. At huwag ka palang magagalit kay Mama." sabi niya. Baka magalit ako?
"Ba't hindi mo agad ako sinabihan, kuya?" naiinis na tanong ko.
"Baka nga magalit ka!" tumaas na din ang boses ni kuya kaya napatigil sa kakatakbo ang utak ko at nakatulala lang ako kay kuya. I compose myself para masagot ko ang sinabi ni kuya, kahit na medyo natakot ako sa biglang pataas ng boses niya kanina.
"Sigurado po ba kayong magaga--"
"Pwede, mamaya na 'yan mga anak? Nasa harap tayo ng grasya, kumain muna tayo!" may kalakasan ng boses na sabi samin ni Mama. Pinutol niya din ang sinabi ko at pinagsabihan kaming dalawa ni kuya kaya napayuko na lang ako at kumain ulit. Ngayon ang unang bese na nagkasagutan kami ng ganito, sa harap pa ni mama. Nakakainis kasi, ba't hindi niya ako sinabihan para natulungan ko din siya. Ayos lang naman 'yun sa'kin eh. Dahil alng ba magagalit ako? Ang babaw 'nun! Kahit naman siguro magalit ako wala rin naman akong magagawa dahil masaya siya, sila. Pagsinabi ko bang ayaw ko sa babaeng 'yun, iiwan niya ba? Hindi naman diba? Susuportahan ko pa nga siya eh.
KUYA!! Nakakainis ka! Bw*sit 'to oh. Hoy! Luha! Huwag kang tutulo!
Natapos na rin kaming kumain. Niligpit ko na ang hapagkainan at hinugasan ang mga plato. Nang matapos ko ng hugasan ay didiretso na sana ako sa kwarto pero tinawag ako ni Mama. Naka-upo sila sa sofa.
"Anak, baka gusto niyong ituloy ang pag-uusap niyo ng kuya mo?" ayaw ko na. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
"Tulog na po ako, Ma. Pagod na po kasi ako." tumingin ako kay Mama at pilit na ngumiti, nandoon din si kuya sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
