Chapter 22

2.7K 133 20
                                    

This story is dedicated sa lahat na nag-add  ng story ko na ito.. Maraming salamat.. <3 <3 <3 :* :* :) :)

***

Aestine's Pov

Nakakabigla ang ginawa ni Hiro. Unang bese niyang ginawa 'yun. Ang kausapin si Rin at kumaway sa kanya. Ano kayang nakain ng isang 'yun?

"INSAN!!!" hay naku!! Ke aga-aga sumisigaw! Ano bang kinakain nito sa umaga at parang punong-puno siya ng energy?

"Ano ba?!" singhal ko kay Autumn nang makalapit na siya sa'kin. Dahil siguro sa gulat ay agad nitong naitaas ang dalawang kamay tanda nang pagsuko.

"Grabe! Ang aga ang init ng ulo."

"At ikaw, ang aga aga nag-iingay ka!"

"Ano bang kinakain mo tuwing umaga? Iwasan mo na nga, palagi nang umiinit 'yang ulo mo, simisinghal ka tuwing umaga."

"Pakiaalam mo ba?"

"Hehe. Tara na insan. Mamaya madagdagan pa 'yang init ng ulo mo. Anong oras na oh." sabi niya sabay tingin sa relo niya, kaya napatingin narin ako.

"Shit!" sabi ko nang makita ko ang oras. 2 minutes na lang. Kaya mabilis akong napatakbo papunta sa room.

"Teka, insan!! Hintayin mo ko!" sigaw ni Autumn. Ang bagal bagal nito.

"Bilisan mo!" sigaw ko na lang sa kanya.

Mabuti na lang at hindi kami nalate. Bwisit kasi, hindi pa ako nakakamove-on sa ginawa ni Hiro kahapon. Ano nga ba ang nakain nun?

"Good Morning." natinag ako sa bati ni Rin kaya tumingin ako sa kanya at bumati rin.

"Morning."

"Muntik na kayong malate ah?" singit ni Maxwell sa usapan namin.

"Paki mo ba? Bakit ka sumisingit sa usapan nang may usapan?"

"Woah! Chillax, Syler, ang aga aga mainit na agad ang ulo mo." bwisit! Sabi nang huwag akong tawaging Syler eh. Mapapatay ko 'to nang wala sa oras.

"Hay naku! Silver sinabi ko na 'yan sa kanya kanina. Ewan ko ba kung anong kinakain nito tuwing umaga." sabat ni Autumn. Isa pa tong babaeng 'to.

"Hayaan niyo na si Syl. Makakatikim na naman kayo ng homily mamaya." sabi ni Rin. Aba, sinakyan pa. Don't tell me pati si Hiro magsasalita rin? Malaking himala kapag nangyari 'yun.

"Hahahaha!" napalingon kaming apat sa tumawa. Take Note ulit, TUMAWA! Tumawa si Hiro!! Ano kayang nakain din nito?

"Tumawa si Hiro?" biglang tanong ni Autumn.

"Oo, tumawa." sagot ni Maxwell. Si Rin naman nang makarecover sa nangyarri ay umiwas ng tingin.

"What?!" inis na sabi sa'min ni Hiro. Tsk. Moody.

"Wala." sabi ni Maxwell.

"Ikaw, Rin? Wala ka bang sasabihin?" tanong ko kaya napatingin ang tatlo sa kanya.

"A-ano namang sasabihin ko?" nauutal na sabi ni Rin.

"Ano nga ba?" tanong ko ulit.

"Meron ba kong dapat sabihin?" balik na tanong niya sa'kin.

"Letse! Puro kayo tanungan. Eh sa wala nang sasabihin si Rin, kaya huwag nang pilitin Aestine." inis na sabi ni Autumn.

"Ano bang pakialam mo?" singhal ko.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon