Sa mga humingi po nang special chap, here it is.
Warning: SPG
Enjoy..
***
"Nasaan na ang foundation?"
"'Yung lipstick, akin na!"
"Eye shadows please."
"Mga ateng! 'Yung mascara nasaan?!"
"Mga bakla, kailangan na nating bilisan! We only have 1 hour and a half!"
Hindi na magkanda-ugaga ang mga bakla sa kwarto ko. Sigaw dito, sigaw doon. Takbo dito, takbo doon. Blush on dito, blush on doon. Mayroon pang nag-aagawan ng brush. Haaaay.
"Ba't di nalang toothbrush ang gamitin mo?" suhestiyon ko sa baklang kanina pa naghahanap ng brush.
"E, kung palitan ko kaya 'yang nag-aayos sayo at toothbrush ang gagamitin ko sa mukha mo. Ano? Game ka, Ms. bride?" sabi ni Steffa.
"Haha. Binibiro ka lang nitong magandang bride natin. Ikaw talaga Steffa, huwag ka ngang highblood."
"Sinong hindi maha-highblood?!! Tanghali na sila nagising. Anong oras na? May kasalan pa bang magaganap?"
Hindi na kami sumagot ni Joemari a.k.a Jem sa tanong ni Steffa.
Tinanghali nga kami nang gising. Paano ba naman kasi nag-enjoy pa kami kagabi. Celebrating my last day of being SINGLE kasi nga ikakasal na ako.
---
Hindi ko akalain na magkakatuluyan kaming dalawa. Magkaaway kami noon eh. Pero naging mabuti ang pagkakalayo namin. He never dated and same as me. He flirted, yes, pero walang sineryoso ni isa. Noon bumalik kami for my kuya, nagkita ulit kami. Yes, I admit, I do like him before but upon seeing him, he became more handsome, manly and damn he is so hot. Kita niyo? Pinagnanasaan ko siya. Hindi niyo lang alam kasi hindi naman halata sa'kin.
I thought I would just like him. Just LIKE him. But I'm wrong, I fell, I fell in love with him. Hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman niya para sa'kin.
You see, palagi kaming nagkikita. Hindi namin sadya pero dahil magkaibigan ang kapatid ko at ate niya kaya nagkikita kami. Minsan nagpupuslit kami. Nagkikita. Nag-uusap. And yeah, we did kiss at syempre hindi maaalis sa amin ang magbangayan sa harap man o wala nang mga magulang namin. Minsan kung kaming dalawa lang magbabangayan nauuwi sa halikan. Funny right. Hindi ko alam kung kikiligin ako o magagalit basta isa lang ang alam ko. Nahulog na ang loob ko sa kanya. Huli ko na namalayan na hindi ko pala kaya na wala siya sa tabi ko 'nung makita ko siya na may kasamang babae. Magkaholding hands. Nagtatawanan. Ang sweet sweet nila. At nakita ko rin silang maghalikan. Sa harap ko mismo hinalikan niya ang babae, smack, pero ang sakit. Dahil ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako, I walk pass by them na parang wala akong nakitang nakakasakit sa damdamin ko.
Days passed, one of my friend, male friend, invited me to have lunch. Pumayag ako syempre, matagal na kasi kmaing hindi nagkikita. Magkaibigan kami since highschool. Namiss ko siya. We had our lunch at the well-known restaurant. We talked happily, nagkamustahan. Nasa ganoon kaming eksena nang may biglang umupo sa tabi ko, hinila ako at ang hindi ko inaasahang gagawin niya ang nangyari. He kissed me in front of my friend. So I push and slapped him hard. Tumayo ako at tumakbo palabas nang restaurant bahala na kung saan ako mapunta basta gusto kong lumayo sa kanya. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makausap at kahit magkalapit man lang. Ayoko. Pero laking gulat ko nalang nang may biglang humawak sa braso ko at inikot ako paharap. And there he is, he hugged me so tight. Nagpumiglas ako. Ayoko na niyayakap niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/68285654-288-k861086.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...