Chapter 17

2.9K 176 2
                                    

Sorry for the late update.. Busy po kasi ehh.. :)

***

Aestine's Pov

Buti naman at naramdaman ng Zedrick na 'yun na ayaw namin sa kanya. Akala ko kailangan ko pa siyang sabihan buti at hindi na.

Narinig ko ang sinabi ni Autumn at gusto kong sabihin na 'kami 'yun', pero syempre sa sarili ko lang. Mamaya kung ano pang isipin ng isang 'to.

Nandito na ako ngayon sa bahay, mag-aaral ulit ako. Last day na bukas.

"Ate, kamusta 'yung exam niyo?" tanong sa'kin ng nakababata kong kapatid.

"Ayos naman. Nasagutan ko lahat. Ikaw kamusta sa school?" Ryok nga pala ang pangalan niya at 15 years old na siya.

"Ayos lang din, Ate. May test po kami bukas, at mag-aaral po ako ngayon."

"Ganoon ba? Pareho pala tayo. Sige mag-aaral din ako."

Meron akong side na ganito at hindi nila alam 'yun. I don't want to be by myself when I'm around them. Alam ko kasing 'pag nalaman 'to ni Autumn siguradong tutuksuin ako 'nun. 'Yung babaeng 'yun pa? Sanay na kasi sila sa ugaling ipinapakita ko.

Inampon kasi siya ng mga magulang niya sa labas ng bahay kaya kinuha namin. Akala namin babalikan pa siya pero marami nang taon ang nakalipas at walang bumalik.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto at nagreview.

---

This is the last day of our exam.

Pagdating ko sa room ay nandoon na rin si Rin, Mere at Autumn. Himala maaga siya.

"Good Morning, Syl."

"Oh, nandyan kana pala pinsan."

"Morning."

Bati nila sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang, Syl?"

"Hinatid pa namin si Ryok."

"Oo nga pala, kamusta na siya? Matagal din namin siyang hindi nakikita."

"Oo nga, tama si Rin. Eh, kung pumunta kaya tayo dun pagkatapos ng exam natin? Hindi ko na rin kasi nakikita si Ryok."

"Tss."

"Oh, sige, ok na ha? After exam punta tayo dun." pumayag ba ako? At hindi sila masyadong excited noh?

Maya-maya pa'y dumami na rin ang mga estudyante.

8:00.

Pinatawag na kami kaya nagsitayuan at lumabas na kami.

---

12:00 noon.

Bumalik na kami sa room at doon kumain.

Buti at hindi na nagbabasa ng notebook niya si Rin.

"Last day of exam niyo na diba?" tanong ni Maxwell.

"Oo. Buti nga eh para makapagpahinga na kami" si Autumnna sumagot. Hindi kasi maistorbo si Rin. Ganyan talaga 'yan basta may exam. Tapos ako ayaw kong sumagot, kahit gusto ko.

"Rin, baka mabulunan ka. Dahan-dahan lang." sabi ni Maxwell.

"Ha?" ay nasa himpapawid pala utak nito. Mukhang concern siya kay Rin ah. May gusto ba 'to sa kanya?

"Sabi ko dahan-dahan lang."

"Ah, ok. Pasensya na. Masarap eh."

Pagpatak ng 1:15 ay bumalik na kami. 3 oras na lang at tapos na.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon