Chapter 27

2.6K 110 2
                                        

Rin's Pov

Ang bilis ng panahon. Ngayon, school festival na namin. Nakakapagod maglinis ng field, magpractice ng performance, gumawa ng box at papel nagagamitin sa performance for voting purposes, pero ayos lang din para naman to sa festival namin. Marami kaming binago. Instead na sa first day ang games ginawa nalang naming second day. Then ang booth and theme meron pa rin naman hanggang second day pero malapit lang sila sa gym sa shaded area para hindi sila mainitan. So that after ng game meron parin namang pwedeng puntahan at mag-entertain sa iba pang bisita na hindi manonood. Haaaay.

Bukod sa paglilinis, chinecheck ko rin kung nagawa na ba ng mga co-SR Officers ko ang mga naka-assign sa kanila na mga gawain.

"Rin. Good Morning." bati sakin ni Mere nang magkasabay kami sa paglalakad. Ni hindi ko man lang siya napansin. Napalalim ang pag-iisip ko.

"Good Morning din, Mere."

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ah, wala 'to. Pagod lng siguro."

"Hindi ka ba nagpahinga kahapon? Wala tayong pasok."

"Nakapagpahinga naman ako. Konti nga lang dahil maya-maya tumatawag ang mga SR Officers sakin tinatanong kung ano pa ba ang gagawin tapos sinesend nila ang mga gawa na nakaassig  sa kanila sakin para tingnan kung ayos na ba o ku g merob pang idadagdag."

"Ang dami nga. Kumakain ka pa ba?" hindi ki alam kung nagbibiro ba siya o hindi da
hil seryoso naman siya.

"Kumakain pa naman. Konti nga lang."

"Kumakain pa naman? Ahh. Ok." sabi nya tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Problema nito?

"Mauna ka na nga."

"Ok. Bye."

Bruhang 'yun. Siguro nag-away nanaman sila ng jowa niya. Tsk tsk. 'Yan kasi lovelife.

Mag-isa na ako ngayong naglalakad papunta sa room. Hindi pa man aki masyadong malapit eh naririnig ko na ang boses ng mga kaklase ko. Ang iingay talaga kahit kailan.

"Oh! Good Morning, Rin." bati agad ni Autumn ng makita ako.

"Hmm-mm. Good Morning din. Nasaan na sina Syl?"

"Nagbibihis pa. Kanina pa nga 'yun eh. Kasabay niya sina Hiro at Silver. Teka 'yan ba 'yung bago niyong damit? Ang ganda. Bagay sa'yo. Kung sabagay meron pa ang damit ang hindi bagay sa'yo? Hahaha." ahh, nagbibihis pa.

"Buti naman at tapos ka na."

"Syempre kanina pa ako dito eh."

"Ahh." ang aga ng bruhang 'to. "Ba't ang tagal naman nil--" naputol ang sasabihin ko nang may narinig kaming sumisigaw sa hallway.

"Anong meron? Ba't sila sumisigaw? May artista ba? Hindi ka nagsabi na may artista pala kayo na ininvite."

"Wala kaming inimbitahang artista."

"Tara tingnan natin." sabi ni Autumn at hinila ako papunta sa pintuan. Nakisiksikan panu ba naman eh lahat ng kaklase namin nakitsismis na rin.

"Ano ba 'tong damit na 'to. Kulang sa tela. Hindi ako komportable. Nakakainis." teka boses ni Syl 'yun ah. Tumingin na ako sa hallway. At tama nga ako si Syl nga kasama sina Hiro at Silver. Kaya naman pala sumisigaw sila. Paano ba naman kasi nakakaagaw sila ng atensyon.

"Wow ang gaganda nila. Iba talaga kapag section nila." Dinig kong sabi ng isang estudyante.

"Grand entrance 'tong mg 'to. Ang gugwapo at gaganda." komento pa ng isa.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon