Rin's Pov
Maaga akong nagising at nag-ayos pagkatapos ay lumabas ng kwarto para mag-agahan. Kailangang maaga ako ngayon.
"Oh, anak, halika na't kumain."
"Si kuya po, ma?"
"Palabas na rin 'yun ng kwarto niya. Maupo ka na dito."
"Opo."
Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si kuya at nakabihis na.
"Good Morning, ma, Rin." bati niya pagkakita niya sa'min ni mama at umupo sa tabi ko at nag-umpisa na kaming kumain.
Hindi naman nagtagal ang pagkain namin dahil nagmamadali rin si kuya may meeting pa kasi.
***
"Bye, kuya. Ingat sa pagmamaneho." paalam ko kay kuya ng makarating kami sa university.
"Suge, ikaw rin."
"Mm." sabi ko sabay tango. At umalis na si kuya.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay nag-isip ako ng mga bagay na pwede kong gawin.
Hindi ko namalayan na sa sobra ko palang pag-iisip ay may nabangga ako. Muntik na akong ma-out-of-balance kung hindi lang siya mabilis sumalo.
"Gosh!" bulalas ko. Mahigpit akong napakapit sa sumalo sa'kin at napapikit.
"Ayos ka lang, Rin?" teka pamilyar 'yung boses niya.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tiningnan ang nakasalo sa'kin. Holy sh*t! Siya na naman? Kahapon pa 'to ha? Nananadya ba ang tadhana?
"Hey." pukaw niya sa'kin.
"Huh?" 'yan lang ang tanging nasabi ko.
"I'm asking you if you we're okay?"
"Ah, oo ayos lang ako." sabi ko at saka niya ako tinuwid ng tayo. "Salamat nga pala."
"No worries."
"Uy, sina Hiro at Rin. Kahapon pa 'yang salo salo na 'yan huh?" hindi ko napansin na may mga estudyante pala sa paligid namin.
"Mukhang may ipinapahiwatig." sabi pa 'nung kasama niya at umaktong kinikilig pa.
"Oo nga eh. Kung sabagay, bagay sila sa isa't isa." kantiyaw pa ng isa. Ito 'ying pibakaayaw ko sa lahat, 'yung may nangyayari sa'kin at involve dun si Hiro, tapos nawawala ang mga tao sa paligid ko. 'Yun bang dalawa na lang kami 'yung tao.
"Huwag niyong tuksuin. Namumula na si Ms. Pres eh."
"Ewan ko sa inyo." 'yun lang ang nasabi ko at pumasok na sa loob ng room.
"Oh, Rin, mukhang napadalas na 'yang si Hiro ang sumasalo sa'yo ahh." bungad agad sa'kin ni Syl.
"Oo nga. Kahapon, muntik ka nang masalo ng sahig pero nandoon si Hiro at nasalo ka. Tapos ngayon naman, nabangga ka sa kanya at nasalo rin. 'Yung totoo. May ipinapahiwatig siguro 'to noh? Ayieee." gatong pa ni Autumn.
"Tumahi--"
"Tama na 'yan, huwag niyo nang tuksuin si Nir-- ah si Rin pala. Nahihiya na siya oh." hindi ko namalayan na nakasunod pala sa likuran ko si Hiro.
"Nagsalita ang hindi apektado." tukso sa kanya ni Syl.
"Sinabi mo pa, insan." sang-ayon ni Autumn saka kami napatingin kay Max na biglang dumating at pabagsak na umupo sa upuan.
"Uy, problema mo?" tanong sa kanya ni Autumn.
"Nothing. Just don't mind me." ano kayang nangyari sa taong 'to? Mas malala pa ba kesa sa nangyari sa'kin ngayon?
"Okay, everyone may I have your atensyon please." agaw ng pansin samin ni Mere. "Please prepare. Mag-e-eight thirty na. So please wear now your costumes and we will go donwstairs."
"Okay!" sagot ng lahat.
"Bihis na kayo. Tuulong nalang ako sa inyo kung mahirapan kayo sa pagbibihis." sabi ko kina Autumn at Syl, saka tumingin ako sa gawi ni Max. "Max, bihis na." sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Uy." tawag ko ulit sa atensyon niya. "Max." wala talaga. Ah, hindi mo narinig ah? "SILVER MAXWELL!!" sigaw ko sa pangalan niya and thanks God, tumingin na rin sa'kin.
"Y-yes, Rin?" nauutal niyang sabi. Halatang nagulat.
"Kanina pa kita kinakausap dito pero hindi no ako pinapansin."
"Ganoon ba? Pasensiya na ha?"
"Lalim ng iniisip mo ah."
"Ah, wala 'to. Magbibihis na ba?"
"Oo." hmm? Mayroong mali kay Max ehh. Ano kaya 'yun?
***
"Okay, everyone, arrange yourself. Be at your best pose. Kasi sigurado akonh dudumugin nanaman kayo ng mga estudyante. Lalo na kayong apat." sabinni Mere at tinuro an apat kong kaibigan. "And please don't forget to smile."
Pagkatapos sabihin ni Mere ang dapat na sabihin ay umalis na ako para umpisahan ang ttabaho ko. Ang mag-ikot-ikot sa buong campus para icheck kubg ano na ang ginagawa ng iba pang seksyon at course.
Pumunta ako sa gym kasi doon gaganapin ang games. May mga kaklase kasi kaming sumali at nakicheer 'yung iba. Sobrang ingay at dami ng tao. Maraming nagsisigawan para sa kanilang mga idolo. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila at nakangiti nang marandaman kong magiging successful ang event na 'to ngayong araw.
Hindi ri naman ako nagtagal sa gym at bumisita ako sa iba pang mga booth at theme sa malapit sa gym. Organize lahat at sociable ang bawat estudyante.
Medyo natagalan ako sa pag-iikot kaya nang makabalik ako sa pwesto kun saan naroon ang mga kaibigan ko ay naabutan ko silang busy sa mga photoshoot nila. Paano ba naman, kulang na lang eh, dumugin sila ng mga babae pati na ang mga binabae at mga tunay na lalaki.
Mula dito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko kung paano tumiim ang bagang ni Max nang hawakan ng lalaki sa baywang si Syl. Parang gusto nyañg patayain ang himawak kay Syl. Hmm?? May nasesmell akong kakaiba kay Max.
Naghintay muna ako ng ilang minuto bago pinaalis ni Mere ang iba pang mga estudyante at sinabihan na mamaya ulit dahil pagod na ang mga Gods and Godesses namin at kailangan nang kumain.
"Kumsta?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.
"Eto, pagod na pagod." sagot ni Autumn.
"Kain na tayo. Kasi magiging busy ulit kayo pagkatapos nito. Don't worry dahil ito na ang huling araw na magpapakuha kayo ng litrato. Dahil bukas performance na. Lahat tayo manonood." sabi ko sa kanila.
Agad kaming kumain at halata sa kanila na pagod sila. Ang dami ba namang kinain.
Pagkatapos naming kumain ay balik ulit sa trabaho at ganoon din ako. Sila todo pose na, pose dito, pose doon. Tapos ako maglalakad na naman at titingin sa mga booth.
Pinuntahan ko 'yung booth na nakita ko kanina habang naglalakad ako at may binili l
Pagkatapos ay resume sa paglalakad. Haaay nakakapagod talaga.
***
A/N:
#bodypain.
Share ko lang po... ngayong gabi lang.. habang nag-iisip ako ng iaupdate ko biglang may nangyari sa kalsada namin. Kaya ayun kahit na dapat natutulog na eh, lumabas yung mga machine gun ang bunganga sa pagkukwento. Haaaay.. kinabahan ako dun..
Anw, good night.. see you next chapter.
P.s
Kumukurap kurap na yung mata ko. Inaantok na talaga..
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
