Chapter 40

2.5K 99 6
                                        

Hindo ko po ata matutupad 'yung sinabi ko na tatapusin ko ngayong December ang story ko na 'to. Marami po kasi akong ginagawa. Hahaha.. Pero sigurado na ako, next year matatapos na talaga 'to. Parang minamadali ko lang eh.

So Happy Reading..

***

Aestine's Pov

Ano kayang nangyari kay Rin kanina? Tinatawag namin siya pero parang hindi naman niya kami naririnig.

Nanginginig pa siya at parang takot na takot at malalim ang iniisip.

Hindi na muna namin siya kinulit, hinayaan lang muna namin siya.

Tahimik lang siya hanggang sa matapos ang klase namin sa hapon. Hindi ko alam kung may narinig ba 'to o kung ano.

"Tara na." yaya ni Autumn. Nakatayo na kaming lima pero si Rin nakaupo pa rin at ganun pa rin ang mukha niya. Nakatulala siya.

"Rin." sabi ko sabay yugyog sa kaniya.

"H-huh?"

"Uwi na tayo."

"A-ah, ganun ba? S-sige tara." sabi niya saka biglang tumayo ngunit pagkatayo niya ay natumba siya na agad namang nasalo ni Maxwell.

"Ayos ka lang?" tanong ni Maxwell.

Hindi sumagot si Rin bagkus yumuko lang siya saka dahan-dahang tumayo na inalalayan naman ni Maxwell.

"Yeah, I'm fine." sabi niya nang makatayo na siya nang maayos. "Let's go." sabi niya saka nauna nang naglakad pero muntik nanaman siyang matumba at lahat kami ay napagalaw ngunit nahinto rin nang tumayo siya uli at naglakad.

Naghihintay na kami kay kuya Ken kasi tinawagan niya si Maisha na nakasalubong namin.

Nakaupo lang si Rin at gaya kanina, nakaupo lang siya at tulala sa dulo ng bench.

"Anong nangyari?" tanong ni Maisha na mukhang napansin niya si Rin.

"Hindi namin alam. Kanina kasi nang magising siya nanginginig at yakap niya ang sarili niya. Tinatanong namin siya kung bakit pero hindi niya kami naririnig hanggang ngayon." paliwanag ni Autumn.

"Bakit kaya?" sabi naman ni Maisha.

"Napansin ko rin kanina na napatingin siya kay Hiro saka napayuko." sabi ko naman kaya napatingin sila sa'kin saka kay Hiro. "Don't tell me, hindi niyo napansin kanina?"

"Nakita ko." sagot naman ni Maxwell. "And why do think it is?"

"No idea." sabi ko na lang. Naiilang akong kumausap sa lalaking 'to.

"Oo nga eh. Tapos ang higpit pa nang hawak niya sa jacket na suot niya. Kanina ba 'yun?" tanong ni Autumn. Oo nga, kaninong Jacket 'yun? Pamilyar sa'kin. Saan ko nga ba nakita 'yun?

"It's mine. I give it to her." sagot ni Hiro kaya napatingin kami sa kanya. Nakatingin siya kay Rin. Kung tama ang nakikita ko, nag-aalala siya kay Rin at the same time ay... galit.

'Bakit siya magagalit? Kanino siya magagalit?'

Tsaka, kanya 'yung jacket? Kaya naman pala pamilyar.

Napaisip ako bigla. 'Yung panginginig ni Rin kanina, 'yung paghawak niya nang mahigpit sa jacket ni Hiro, 'yung pagtingin niya kay Hiro. Hindi kaya, iniisip niya na si Hiro ang tumulong sa kanya? Hindi niya naman kasi nakita nag mukha ni Hiro 'nung gabing 'yun kasi nawalan na siya ng malay, 'yun ang sabi ni Hiro.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon