Mila's Pov
"Ma! Kuya! Bilisan niyo po. Baka mahuli tayo!" sigaw ni Rin sa baba.
"Sandali lang anak, pababa na ako." sigaw ko. "Ang kuya mo? Tapos na ba?"
"Hindi pa rin po lumalabas ng kwarto niya!"
"Ganun ba? Katukin mo nga, pababa na ako." tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. "Ayos na." sabi ko saka lumabas ng kwarto at bumaba.
"Kuya, nandito na si mama. Bilisan mo!"
"Heto na!"
"Wow, ang ganda naman ng anak ko." papuri ko sa anak ko.
"Syempre po, kanino pa po ba ako magmamana?"
"Ito talagang anak ko, binola pa ako."
"No, Ma. It's true." sabat naman ni Kenzie. Buti naman at lumabas na siya.
"Pinagtulungan niyo pa ako. Haay. Let's go?" yaya ko sa kanila.
"Sure."
Alam kong excited na si Rin. Recognition day nila ngayon kasi bukas ay Graduation day.
Ang bilis nang panahon. Baka hindi ko mamalayan na magtatapos na siya sa kolehiyo, magkakaroon ng sariling companya at pamilya.
Maiiwan akong mag-isa. Haay, anu ba 'to. Ang drama ko. Hindi pa nga magtatapos si Rin ito't nagiging emosyunal ako.
"We're here." anunsyo ni Kenzie kaya inayos ko ang sarili ko baka mahalata pa nila na naiiyak ako.
Bumaba na kami at dumiretso sa Auditorium.
"Rin! Dito!" lumapit kami kung saan sina Autumn - kaklase at kaibigan ni Rin - nakaupo.
"Hey!" sabi ni Rin.
"Hi po, tita." bati sa'kin ni Autumn.
"Hello, Autumn. Congratulations." bati ko rin kay Autumn.
Mababait ang mga kaibigan ni Rin kaya hindi ko siya binabawalan kapag nagpapaalam siya na gagala sila o mag-oover night sa bahay nang isa sa kanila.
Malaki ang tiwala ko sa kanila.
Maya-maya pa'y nag-umpisa na ang program.
Hindi naman naging matagal ang opening remarks ng Dean at inanunsyo na ang mga estudyanteng makakatanggap ng parangal. Isa-isang nagsiakyatan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila.
Kay ganda nilang tignan. Napakaproud nila sa kanilang mga anak. Mga nakangiti, galak na galak. Maski ako rin ay masayang-masaya sa anak ko. Kahit hindi man siya nakakuha nang parangal ay proud na proud pa rin ako sa kanya.
Rin's Pov
Kakatapos lang ng Recognition namin.
"Rin! Congrats! Top nanaman." sabi ng kaklase ko.
"Salamat, congrats din sa'yo."
"Thanks, sige una na kami. Bye."
"Ok, bye."
"Babalik pa ba kayo sa room niyo anak?" tanong ni mama.
"Opo, Ma. May sasabihin lang sa'min si Prof."
"Ok, then we will wait for you in the parking lot."
"Yes, ma."
Tumingin ako kina Aestine.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
