Chapter 36

2.6K 105 0
                                    

Hi po sa lahat!! :)

Update for you.

***

Rin's Pov

Nagulat ako kanina, kasi muntik na akong mahulog at maisugod sa hospital. Oo, oa na, pero 'yun pakiramdam ko eh. Hindi naman kataasan ang stage pero sapat na para mabalian ka ng buto. Pero mas nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at hindi ko inaasahan na si Hiro ang may gawa nun. Akala ko nga si Max eh. Tsk.

Pero nasasaktan parin ako. Gusto ko mang humiwalay sa kanya mula sa pagkakayakap ko, hindi ko magawa, kasi baka sabihin nila na naaapektuhan pa rin ako sa nangyari kanina. At saka...gusto ko lang siyang mayakap...sa huling pagkakataon. Wala na eh. Hindi nga daw kasi. At hinding-hindi.

"Ayos ka lang?" napatingin ako sa taong nagtanong sa'kin saka tumabi ng upo.

"M-max?"

"Huwag kang umiyak jan, baka akalain nila pinaiyak kita, kahit hindi naman."

"H-huh?" ako umiiyak? Napahawak ako sa mukha ko at naramdaman kong basa nga 'yun. Umiiyak nga ako. Ngayon na lumabas 'yung mga pinipigilan kong mga luha kanina. Nakakainis.

"Tahan na." sabi niya nang hindi nakatingin sa'kin. Tapos mukhang iniharang niya ang katawan niya para hindi ako makita ng iba. Pinunasan ko na ang mga luha ko saka nakitingin na rin sa stage.

"Ayos ka lang ba? Muntik ka na kanina. Buti at mabilis ang reflexes ni Hiro at nahawakan ka."

"Mm. Ayos lang ako. Medyo nanginginig pa rin ng konti." nanginig talaga ako kanina. Nakakatakot eh.

"Hindi ka na umiiyak?"

"Hindi na."

"Ayos nang ginawa mo kanina ah. Napaniwala ako, kaso hindi ng mga mata mo."

"Oo na."

"Haha."

"Tse!" mahina kong singhal 'yung kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Ok, tapos na po ang pagbibilang ng mga 'Vote' ticket. So let's announce the winners. Wala pong lugi lahat may place."

Nakaabang ang lahat sa kung sino ang mananalo.

"Ok, we will have the Third Place, Second Place, First Place and the Champion. So here it is." sabi ng MC at kinuha ang papel. "OMG! Hindi na nakakapagtaka. Hahaha, well iba ang expectation ko eh. Akala ko sila ang mananalo, hindi pala. Anyway, that's life, 'yung akala mong siya pero hindi pala. Hahaha."

Humugot pa.

"Madami siguro ang pinagdaanan mo noh?" singit nung isang estudyante.

"Oo, madami. Sa sobrang dami, napuno na ako at ayun muntik nang mamental. Pero syempre, joke lang 'yun."

"Hahahaha. Sana pala namental ka na lang." sabi ng isang lalaki.

"At bakit?" tanong naman ng MC.

"Edi sana, pinag-hi mo ako dun sa mga kaibigan ko."

"Huh? Baliw ka dati."

"Hindi no, muntik na...nang mawala siya sa'kin. Boooom!" aba, bumirit rin.

"Hahaha. Alaykyu na. Pareho tayo."

"Hahaha, di tayo talo!" at ayun nagtawanan na ang lahat at pati na rin ako si Max naman ay ngumiti lang.

"Ikaw, Rin? Mababaliw ka na ba sa sakit na naramdaman mo?" biglang tanong ni Max.

"Hindi pa naman."

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon