Chapter 6: Is she Ready?
Max's P.O.V
"Konti nalang sis dear, Ganyan. Tama jan yan! Perfect!" Sabi ni Ate Jen na gina-guide akong mag-make up.
I smiled at her.
"Dali mo matuto! Marunong ka nang mag make-up mag-isa, pati yung mga styles ng pagbihis mo, Very good!" Dagdag niya.
"Thanks ate! Dahil 'to sa'yo. Salamat sa pagtiya-tiyaga sakin." Sabi ko.
"Ikaw lang naman kasi 'tong choosy noong una eh! Kinaganda mo naman yung pagsunod mo sakin diba? Ako pa ba?" Biro ni Ate kaya napatawa ako.
"Oo na. Thank you na."
"Ay siya, labas na muna ako ha?" I nodded kaya lumabas na siya sa kwarto ko.
This is it.
Tuloy na tuloy na talaga 'to I guess? Nasimulan ko na eh, so why not na tapusin right?
I faced the mirror. I stared at my whole self.
I am way too different from JM. I will really seduce them all. At kapag kumagat sila sa plano ko, gagawin ko ring miserable ang buhay nila.
If I didn't deserve to be happy. Why would they be? Doble pa ang gagawin kong kamalasan sa buhay nila once na makilala na nila si Max.
Binuksan ko ang drawer ko para kunin yung iba ko pang gamit na make-ups nang may mapansin akong larawan.
Napatakip ako ng bibig. Hindi ko maintindihan, parang may kuryente na tipong nagtaasan yung balahibo ko. Hindi ko talaga alam. Bigla nalang akong nalungkot.
Kamusta na kaya si Paolo? Namimiss ko na siya.
Kinuha ko yung litrato namin ni Paolo. Suot pa namin yung Jersey nang maging kadoubles ko siya sa badminton noong Intrams namin back when 3rd year highschool palang kami.
*Flashback*
3rd Person's POV
3 years ago,
"Pano ba yan, besty! Nanalo kayo ni fafa Paolo mo!" Panunukso ni Tin sa kaibigan.
"Oh. Ano naman?" Pag-mamaang maangan ni JM.
"Partner, diba may sinabi ka saakin non?" Nakangiting sabi ni Paolo.
"H-ha? Anong sinabi? Ah! Ililibre ko kayo ni Tin! Oo! Naalala ko nga!" Sabi naman ni JM.
"Hindi yun partner eh." Sabi naman ni Paolo at hinapit sa bewang si JM. "Sabi mo sakin non, pag nanalo tayo sa intrams, sasagutin mo na ko diba. Ibig sabihin,"
"KAYO NA!" Pagtuloy naman ni Tin at tumawa. "Kinikikig ako besty!" Sigaw pa nito.
"A-ano? Sinabi ko ba yun?" Tinulak niya si Paolo. "Imbento kayo ha." Pagdedeny ni JM.
Napawi ang ngiti ni Paolo at agad pinilit lamang ngumiti. "S-sige. Mauna na muna ako. Kita nalang tayo bukas. Bye." Sabi ng binata at malungkot na umalis.
Lumapit si Tin kay JM at hinampas ito. "Hoy JM! Pahard to get ka pa! 6 months kang niligawan ni Paolo ha!"
"Eh, hindi pa ata ako handa eh. Alam mo namang first time ko lang magkaroon ng manliligaw. Tapos yung sikat pa dito sa school. Naguguluhan pa ko eh." Sabi naman ni JM.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...