Chapter 10.2: Nanaman
(Max's P.O.V)
@Covered Court.
"Saan ka ba pumunta???" Tanong ko nang makarating kaming covered court.
"Nagbihis kasi ako. Gomenasai Besty..." Sabi ni Tin.
(Gomenasai - Sorry in Japanese)
"Ugh. Bwisit na lalaking yon! Isa ka pa. Di pa nga ako nakakapalit ohh??"
"Sorry na kasi! O, magpalit ka na. May 5 minutes pa naman." Sabi niya at tinuro yung Shower Room.
"Marunong ako magbasa Bessy," Biro ko at dumerecho roon.
After kong magpalit, nakita ko silang nakakumpol. Tinawag ako ni Pat at Bessy sa may bleachers.
"Nasaan sila Sophie?" Tanong ko at naupo sa tabi nila.
"Di talaga umaattend ng P.E si Sophie dahil sa health issues. Si Vina naman may red alert." Sagot ni Pat.
"Ah.. Anong meron??" Tanong ko pa tungkol sa activity.
"Makinig kasi." Birong pagtataray ni Bessy.
Tumawa lang kami ni Pat.
"Okay, Since may 2 weeks nalang tayo sa inyong 1st sem. Maglalaro tayo ng mga larong kalye. Don't whinne guys, dito ako magbabase sa mga skills niyo. We'll be voting over Patintero at Tumbang Preso." Sabi ni Sir. Romero
Madaming nag-inarte at karamihan ng boys ay natuwa kesyo nakakapag-reminisce daw sila ng kanilang childhood days.
Psh, Mga bading. :))))
"Ano gusto niyo?" Tanong ni Pat.
"Okay, let's vote now! Raise your hand kung in favor kayo sa game na iyon." Biglang nagsalita si Sir.
Ano nga bang maganda???
"Who wants to play Tumbang Preso??" Tanong niya pa.
Psh. mga 1/4 lang nagtaas ng kamay.
Eh, alam na.
"Okay, for Patintero??"
"Patintero tayo Besty!" Sabi ni Tin at tinaas niya yung left hand ko.
Madaming nagtaas ng kamay sa Patintero. WEW.
"Okay, Since Madaming nagvote sa Patintero, Yun ang lalaruin niyo." Sabi ni Sir.
"Aba'y malamang, alangan namang mag-luksong baka kami eh di naman yun pinagbotohan." Bulong saamin ni Bessy.
Sabi ko na nga ba, mamimilosopo ito eh.
"HA HA HA! Patawa ka." Biro ko.
Inirapan lang ako ng bruha! >.<
"Okay, Magkakagrupo ang may Last names na A-E, F-J, K-O, P-T, U-Z. Okay?? Versus Versus tayo!" Masayang hayag ni Sir.
Siya lang ata nasisiyahan sa mga ideya niya.
Buti nalang kagrupo ko si Bessy. *0*
"Sir! Sir!" Nagtaas ng kamay si Pat.
"O, ano yon Xandro?" Tanong ni Sir.
"Sir... Ako lang po at si Zulueta yung magka-team eh!" Pagreklamo niya.
WHAHAHAHAH! Oo nga naman, nagtawanan kaming lahat.
"Ganun ba?? Punta kayo sa may kulang pa para balanced." Sabi ni Sir.
"Dito nalang ako kila Mariano!" Sabi ni Pat at tinuro pa ang grupo namin.
"Hindi na pwede diyan. Saktong sampu na sila. Doon ka sa A-E." Sabi ni Sir.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...