Chapter 45

969 13 0
                                    

Chapter 45: The Truth


JENINA's P.O.V

"Paano ko nanging kakambal yung kapatid ni Kyle?" Tanong ko nang makauwi kami sa bahay.

"Dahil anak ko siya." Sagot ni Mommy.

Ang gulo parin. Wala akong maintindihan.

"Why all of a sudden... Ngayon niyo lang siya ipapakilala saakin? After 21 years! Ngayon ko lang nakilala yung kapatid ko. And worse? Kakambal ko pa! Bakit kailangan niyong itago?" I almost pleased.

"Dahil kinuha siya ng ama niyo." Sabat ni Daddy na ikinagulo lalo.

"Ama? Ikaw? Bakit mo naman siya kinuha?" I asked with confusion.

"You don't understand, Jenina. What I mean is your real father." Sagot ni Dad.

I was about to ask question again pero nagsalita pa ulit si Dad.

"I'm not really your biological father. Anak kayong dalawa ni Risha ng mommy niyo sa ibang lalaki."

Sa sobrang linaw ng napaka-kalmadong pagpapaliwanag saakin ni Daddy, napaiyak ako. Hindi ako anak ng nakalakihan kong ama? Anak lang ako sa unang asawa? What's worse is hindi ko kapatid si JM ng buo?

"Anak, sorry. Pinaghiwalay kayo ni Risha ng tunay mong ama. Hindi ko naman kasi talaga siya minahal. Bagong kasal palang kami noon ng Daddy mo pero may nangyari saamin ng tunay mong ama at nabuntis niya ako. Hindi ko ginustong may mangyari saamin pero pinagsamantalahan niya ako. Gustong-gusto ko siyang idemanda pero wala talaga akong laban dahil napaka-makapangyarihan ng pamilya niya." Paliwanag ni Mommy.

"Bakit.. Bakit niyo kami pinaghiwalay ng kakambal ko?"

"Tinuring kayong parang tunay na anak ng Daddy mo pero nang mag-isang taon kayo ay bigla nalang dumating ang tunay niyong ama at pwersahang kinuha si Risha. Dapat nga ay kukunin ka rin pero buti na lang dumating ang Daddy mo at itinago ka sa tunay mong ama. Sinubukan naming kunin si Risha pero wala na sila at nagpunta na raw ng America." Umiiyak na si Mommy kaya niyakap ko siya, si Daddy naman umalis.

"P-paano niyo nalamang siya yung k-kakambal ko?"

"Nakita ko yung tunay niyong ama sa America. Ang tunay na dahilan kung bakit kami nanirahan sa America ay para hanapin ang kakambal mo. At matapos nang pitong taon na paghahanap ay nakita rin namin siya. At dahil may sapat na kaming pera ng Daddy niyo ay kaya na naming makipagtapatan sa yaman nila. Kayang-kaya ko na siya ngayong ipademanda." Hayag saakin ni Mommy.

"Pero.. Hindi naman siya nanlaban at hindi niya itinago si Risha. Ipinakilala niya ito saakin. 2 buwan na rin nang magkita kami at nang malaman niyang ako ang tunay niyang ina. Ayaw lang talaga niya munang ipaalam sainyo ni JM dahil gusto raw muna niya kayong makilala sa ibang paraan kaya kinaibigan niya kayo bilang kapatid ni Kyle." Tuloy niya.

"Paano siya naging Risha Kae Lazaro? Hindi ba't nakapangalan sakanya ang apelyido ni Daddy dahil kayo ang kinasal noon?" Tanong ko.

"Sabi saakin ng tunay niyong ama na pinalitan niya raw last year ang buong pangalan ni Risha at ipinakilala siya sa mundo ng negosyo bilang isang Lazaro." Sagot ni Mom.

"A-anong pangalan niya noon?"

"Jane Catelyn Medina"

Jane... Catelyn...

Hindi kaya....

*Flashback*

"Gaano mo minahal yung ex mo?" Tanong ko kay Florence.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon