Chapter 35: The Someones
Max's P.O.V
Panghuhusga.
Yan ang mga binabatong tingin saakin ng mga estudyante pagka-apak ko ng University.
Asan ka na ba kasi Kyle?
Si Kyle lang ang nandiyan palagi para saakin. Aside kay Christyn.
Sila Vina, Sophie at Pat? Wala na. Nilalayuan na nila ako. Hinusgahan din nula ako kaagad.
Pero mas mabuti na rin yung ganito! Atleast alam ko kung sino ang palaging nanjan at hinding hindi ako iiwan kahit ano man nakaraan ko. Totoo man o hindi, nandito lang sila. Si Kyle at Tin lang yun.
Hindi ko nalang inintindi yung mga nakatingin saakin at nagdiretso lang maglakad.
"Grabe no? Siya yung Ms. SIU diba? Sayang naman." Rinig kong sabi nila.
"Siya ba talaga yung nakahubad sa mga pictures? Gross."
Napairap ako sa narinig ko. Akala mo talaga alam nila kung ano yung totoong nangyari eh!
*Kriiiing! Kriiiing!*
Kinuha ko yung phone ko sa bag at sinagot ang tawag.
"(Besty!)" Si Tin pala.
"Uy, bakit ka napatawag? Hindi ka pa ba papasok?"
"(Sorry Besty! May bulutong ako! Kaya nga hindi ko muna pinapadalaw dito si Jon eh. Sorry besty kung hindi kita makakasama sa school.)"
"It's alright, bessy. P-pagaling ka." Binaba ko na yung tawag.
Huminga ako ng malalim.
So I guess I'm alone. I'll face those judgemental people for the rest of the day all by myself.
"Ms. Medina." Hinawakan ako ng Prof ko sa literature sa balikat.
"Po?" Ngumiti pa rin ako.
"You need to go to the office. Pinapatawag ka." Sabi niya at naglakad na.
Mukhang alam ko naman na kung bakit ako ipapatawag.
Dumerecho na ako agad sa office.
**
"I'm sorry, Ms. Medina but we'll have to dethrone you for being the Ms. SIU." After nang maraming paligoy-ligoy, yan din ang sinabi nila saakin.
Tama nga ako ng hinala, tatanggalin nila ang titulo ko bilang Ms. SIU.
Ngumiti lang ako. "It's alright."
Nagulat sila sa sagot ko.
"Hindi mo manlang ba ipagtatanggol ang title mo? Pati yung reputation mo? This is serious, Ms. Medina."
"Serious din po ako, Ma'am. Kung gusto niyo po akong tanggalin, wala pong kaso saakin yun. And about my reputation? I know who I am and I know kung ano ang totoo, kaya hindi ko kailangang i-please ang mga taong hinusgahan agad ako. Sira na kung sira sa paningin ng iba. But I know marami paring tao ang mas nakakakilala at alam ang totoong nangyari." Sagot ko.
Natulala sila. Yung principal, Dean, at yung prof ko sa lit.
"Excuse me lang po, Pwede na po ba akong umalis?" I asked.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
فكاهةIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...