Chapter 40: Lost but still searching
Max's P.O.V
13 Messages..
From: Dammien
Goodmorning! =)
Kamusta?
Kumain ka na ba?
Mag-ingat ka. =)
Gising ka na ba?
Paggising ko kinabukasan eh, YAN lang naman ang bumungad saakin na mga text'S'.
Hindi ko alam ang ire-react sa taong 'to! Pero iisa lang ang alam ko,
Napangiti ako sa simpleng messages niya saakin.
"Argh!" Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at tinapik-tapik ito.
"Obvious naman Max eh!" Kausap ko sa sarili ko habang nakahawak parin sa magkabila kong pisngi. Tumayo pa ako at humarap sa salamin.
"Gusto mo siya diba?" Nagulat ako nang lumitaw si Ate sa likuran ko. Nakita ko siyang nakangiti dahil nakikita ko siya sa salamin.
"S-sinong gusto ko?" Taka kong tanong.
"Okay, let me rephrase it? May gusto ka na sa isa sakanila diba?" Di parin maalis yung ngiti sa labi niya.
Meron nga ba?
"W-wala! Wala noh. Pwede ba?" Pabiro pa akong umirap at nagsuklay ng buhok. Tinignan ko si Ate sa salamin. "Saan ka pupunta?" Tanong ko dahil naka-puting bestida siya at itim na cardigan. Simple lang siya pero ang ganda talaga ng Ate ko.
Umiwas siya ng tingin saakin at nawala ang ngiti sa labi niya. "Wala, D-diyan lang." Ngumiti siya ng pilit bago tumingin saakin.
Hindi ako nakuntento sa sagot niya kaya naman hinarap ko na siya. "Saan nga?" Tanong ko ulit.
"Aalis na ko. Babalik din ako. Babay!" Sabi niya at tumalikod na saakin pero mabilis kong nahablot ang bag na nakasabit sa shoulder niya kaya napatigil siya.
"Sama ako." Sabi ko.
"W-wag na, Max. Wag na." Umiiling pa siya habang nagsasalita.
"Sabihin mo muna kung saan ka pupunta, tapos hindi na ako sasama."
Huminga muna siya ng malalim at hinarap ako kaya binitawan ko na yung bag niya.
"Sa burol ni Lawrence."
Natigilan ako. Ibig sabihin....
"P-patay na ba t-talaga si L-lawrence?" Halos bulong ko nalang na tanong dahil nanghina ata ako.
Akala ko panaginip lang....
Akala ko binangungot lang ako....
Wala na ba talaga si Lawrence?
"Kaya nga wag ka nang sumama. Sige, alis na ko ha? Sabihin mo nalang kay manang yung gusto mong kainin. Dito ka nalang muna sa bahay ha?" Sabi niya saakin at hinalikan ako sa pisngi.
Akma na nga niyang isasara ang pinto ng kwarto ko pero hinawakan ko naman siya this time sa braso niya.
"S-sama... Ako."
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...