Chapter 48: Her Side
MAX's P.O.V
"(Max! I missed you na sobraaaa!)"
"Tse! Ganyan ka naman eh! Kinalimutan mo na ako!"
Kausap ko sa Skype si Chrystin. Grabe! Ang tagal na naming hindi nagkikita! Pero palagi kaming may communication sa isa't-isa.
Nag-stop muna siya sa pag-aaral dahil nabuntis siya ni Jon. Ayan, inuna ang kaharutan sa buhay. Kaya naman nasa States sila ni Jon, kung saan yung bahay ng parents ni Jon. Natutuwa ako kay Jon and sa family niya dahil pananagutan niya ang bestfriend ko. Masaya ako para sakanila.
"(Ang sama mo saakin. Hindi mo manlang ba ako namimiss?)"
"Syempre namimiss kita! Gaga ka!"
"(Ay, besty, jan nga pala bibinyagan si baby. Excited na ko! hihi.)"
"Bakit? Ilang months na ba yan?"
"(7 months na, besty. Gusto ko na siyang lumabas.)"
"Oh, edi pwede nang malaman yung gender?"
"(Ayaw namin ni Jon malaman. Para surprise! Diba!)"
"Baliw talaga kayong mag-asawa. O sige, maya nalang ulit tayo mag-usap. Nasa library ako. Nakiki-wifi lang talaga ako rito. Magbabasa na muna ako. Bye."
"(Ikaw na matalino! I love you besty. Stay strong! Fighting!)" Tapos lumapit pa siya sa cam at ngumuso para ikiss ako kuno.
Ni-log out ko na yung skype ko at tinabi na yung laptop. Magsisimula na akong magbasa para sa pre-finals.
Wala pa ako sa pangalawang page ng binabasa ko ay may kumuha ng librong iyon saakin.
"Lakas ng tama mo, Kyle! Akin na yan!" Sabi ko na pabulong lang pero medyo sigaw. Gets niyo?
Oo, si Kyle ang bastos na kumuha ng libro ko.
"Kanina ka pa nandito sa library ha? Diba tatlo lang subjects mo ngayong araw?" Tanong niya saakin at hindi parin binabalik ang libro.
"Ikaw na kabisado ang schedules ko. Akin na yan!" Inaagaw ko ang libro pero tinaas lang niya.
"Ganun talaga. Bestfriend mo nga ako diba?" Paka-diin niya sa bestfriend.
"Bitter ka Kyle ha! Akin na yan! Wag mo kong guluhin!" Sabi ko sakanya at nagtagumpay sa pagkuha ng libro.
Inagaw niya nanaman ito. "Akin na kasi!" Napalakas boses ko kaya may nag'Shhhh.'
"Take a break, JM. Tara! Kain tayo. Libre ko." Sabi niya saakin at tinaas baba ang kilay niya.
"Talaga? Libre mo?" Tanong ko.
"Anong bago? Ako naman laging nanlilibre!" Sabi niya.
"Ay leche. Ipamukha raw ba? Tara na nga." Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Tinulungan niya naman ako sa pag-ayos.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...