Chapter 27

1.2K 16 1
                                    

Chapter 27: EX


3rd Person's P.O.V

December 27.

"Max! Tara dito!" Tawag sakanya ni Jenina na nakadapa sa kama ng kapatid at naglalaptop.

Nasa bahay parin sila dahil sa January 2 ay aalis na ang parents nila kaya nama'y sinusulit na nila.

"Ano ba yon?" Sabi naman ni Max at lumapit sa Ate niya.

"Tignan mo 'to." Sabi ni Jenina at tumuro sa laptop na kaharap niya.

Napakunot ng noo si Max sa nakita niya. "O, Sino yan?" Tanong niya.

"Maganda ba? Idol ko yan anubeeey!" Sabi naman ni Jenina at ini-scroll ang profile na pinapakita niya sa kapatid.

"Paano mo naging idol yan?" Tanong ni Max at mukhang hindi siya interesado.

"Schoolmates kami dati! And.. Kabatchmate ko rin noong Highschool! 50 kasi kaming students na nag-entrance exam sa Miriam's State University! Doon sa school dati ni Dad sa America! Kaloka! Siya lang yung nakapasa! Kaya idol ko siya!" Masayang kwento ni Jenina at gumulong pa sa kama.

"Maka-react parang siya yung nakapasa." Biro ni Max.

"Sira! Natutuwa lang ako sakanya kasi almost perfect na talaga siya! Siya na talaga! Pati sa boyfriend, panalo raw yun eh!" Saad ni Jenina.

"Ah.." Sagot ni Max. Hindi kasi siya interesado. "Baba muna ako, Ate. Pakipatay nalang yan." Sabi niya at akmang lalabas ng hagdan.

Nagsalita si Jenina.

"Balita ko nga naiwan ni Kim yung boyfriend niya dito noon eh. Kawawa naman yung boyfriend niya. Sila pa kaya?" Sabi ni Jenina sa sarili.

Automatic na lumingon si Max sa kapatid niya at lumapit.

"Kim?" Tanong niya kay Jenina.

"Oh. Akala ko ba, bababa ka?"

'Sana hindi totoo ang nasa isip ko.' Aniya ni Max sa sarili.

"Sinong Kim, Ate?" Pagulit ni Max.

"Ah, Eto ngang idol ko!" Tinuro pa niya yung larawan nung Kim sa laptop.

'Please... Sana mali ang iniisip ko.'

-Max.

"Si Kim Romero! Ang aking inspirasyon noon! Balita ko nga babalik na raw siya dito sa Pilipinas eh. Nabasa ko yung tweet niya kaga--" Naputol ang sasabihin ni Jenina nang biglang natumba si Max.

"Max? MAX! MOMMY! MAX!" Sigaw ng kapatid.

Hinimatay nang tuluyan si Max.

--

Max's P.O.V

"Pwede bang makasama ka ngayong pasko?" Sabi saakin ni Dammien.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi may part saakin na pumipigil dahil nga nasa pagluluksa ako ngayon, at dahil yun sakanila.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon