Chapter 39

935 16 4
                                    

Chapter 39: Guilt



3rd Person's P.O.V

"Hin...di.." nakatulalang sabi ni Max.

"Max! Where have you been?!" Nag-aalalang tanong sakanya ni Luis at niyakap siya.

"S-si... Si... Waaaaaaaa!" Umiyak ng malakas ang dalaga at napayakap ng mahigpit kay Luis.

"A-anong nangyari?? Tell me! Anong ginawa sa'yo ni Lawrence?! Sabi ko naman sa'yo wag mo nalang siyang sundan dahil gusto niya lang mapag-isa... Max tama n--" Naputol ang sasabihin ng binata.

"P-patay n-na... Siya.." Muli ay humagulgol si Max ng iyak.

"Sinong... Sino namatay??" Gulat na tanong ng binata.

"L-lawrence..." Halos bulong na lamang na sagot ni Max ngunit narinig ito ni Luis kaya natigilan siya.

"Ano?! S-si... Saan?? Nasaan si Lawrence??" Napatayo ang binata.

"Na.. Nahulog... Dito..." Nanghihinang tinuro ng dalaga ang tulay. Napansin ni Luis ang dugo sa kamay ni Max. Ito ang dugo ni Lawrence dahil tinulungan niya itong wag malaglag...

Ngunit huli na. Hindi niya ito natulungan.

"Shit!" Sigaw ni Luis at dali-daling tumawag ng kung sino man ang matawagan sa sobrang katarantahan.

"Tulong! Please.. Yung k-kaibigan ko... Nahulog sa tulay.." Nanghihinang sabi ni Luis nang may sumagot ng tawag niya.

"(Nasaan ka?!!)"

Mukhang nagulat pa si Luis sa natawagan niya. Pero no choice na siya dahil emergency ito.

"D-dammien... Pare, wala na tayong oras... Tulungan mo kami ni Max... Si L... Lawrence..."

"(P*tang ina pare?! Sabihin mo saakin kung nasaan kayo??!)"

Agad namang sinabi ni Luis ang lugar at binaba agad ito ni Dammien.

Nabaling ang tingin niya sa dalaga na nakaluhod parin ito at nakasilip sa ibaba.... Kung saan bumagsak si Lawrence.

"Max.." Hinawakan niya ito sa balikat.

"Napakasama ko na pala talaga! Wala manlang akong nagawa! H-hindi ko manlang siya natulungan! Napakasama ko! B-bakit humantong sa g-ganito?! Ha?!" Labis na lamang ang sakit na nararamdaman ng binata nang makita niyang nagkakaganito si Max.

Itinayo niya ito at niyakap. "Wala kang kasalanan. Walang may gustong mangyari 'to." Bulong niya sa dalaga habang pinapatahan ito.

"P-pinatay ko siya... A-ako... W-wala akong nagawa... Waaaaa.." Halos paulit-ulit na lamang ang paninisi nito sakanyang sarili.

"Hindi pa siya patay. Marunong lumangoy yang si Lawrence. Maniwala ka saakin."

Medyo natigilan si Max ngunit nagi-guilty parin talaga siya kaya di niya mapigilan ang mga hikbi na kumakawala sakanya dahil sa sobra niyang pag-iyak.

"Uwi muna kita?" Alok ng binata sakanya at hinawakan siya sa kamay.

Umiling ang dalaga kaya hindi pumayag agad si Luis. "No. Ihahatid kita."

"Gusto kong mapag-isa?" Tumingin ito kay Luis at nangungusap ang mga mata nito. "Pagod na ako. Palagi nalang akong umiiyak. Pwede?" Dagdag pa nito at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay kay Luis.

Walang nagawa ang binata kung hindi tignan na lamang si Max na naglalakad mag-isa palayo sakanya.

Hindi niya maintindihan pero may pumatak na luha sakanyang mata.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon