Chapter 7.4

1.8K 31 2
                                    

Chapter 7.4: Operation, The One Woman Man

Max's P.O.V

"Rise and shine beautiful!" Haaay, si Ate Jen yan.

Bumangon na lang ako at dumerecho sa banyo para gawin ang morning rituals.

"Morning!" Sabi ko after ko maghilamos sa banyo.

"Besty!" Sigaw ni Christyn galing living room.

"Andito ka pala?" Tanong ko.

"Wala. Clone 'to besty." Naka-diretsong mukha niyang sabi.

"K." Sabi ko at uminom ng gatas. Pipilosopohin pa ko eh. "Balita?" Tanong ko.

"Balita ka jan. BALITA KAMO SAYO?!" Sabi naman ni bessy.

"Uh, 3 down. 2 to go?" Sagot ko.

"Ang tipid mo naman magkwento. Pero dahil understanding bestfriend ako, di muna kita pipilitin. Papayag ka rin." Sabi niya at tumawa pa. Hala. Baliw na ata.

"Alis na ko mga little sistars!" Sigaw ni Ate mula sa living room.

"Ingat!" Sigaw namin at tuluyan na siyang umalis. Narinig pa namin siyang nagsabi ng 'Behave'. Ginawa pa kaming aso.

"Sino sunod?" Tanong ko. Alam niya na meaning nun.

"Uh, Sam Tsui Besty." Sagot niya.

I just nodded.

"Kaso mukhang di matutuloy ang plan natin today." Dagdag niya.

Natigil ako sa pag-inom. "Bakit?" Tanong ko.

"May date kasi siya ngayon. And sa pagkakaalam ko, 9 months na sila. Monthsary nila eh."

I smirked. "Edi mas maganda." Sabi ko sabay inom ng gatas.

Ang sarap ng gatas!


x x x x x

3rd Person's P.O.V

"Magkita nalang tayo hon sa Rubilyn's Restaurant." Sabi ng binata sa kausap niya sa kabilang linya.

"(Sure hon, Happy Monthsary ulit! Love you.)" Sabi naman ng nasa kabilang linya.

"6pm My Angel." Sabi ng binata.

"(Copy that My Sam.)" Sabi naman ng dalaga at inend na yung tawag.

Tumingin siya sa relo.

3pm palang. Everything's ready na sa Restaurant na pagdedate-an nila.

Sumakay siya sa kanilang sasakyan.

"Saan po tayo sir?" tanong ng kanyang driver.

"Sa flower shop po ni mommy."


[Flower Shop]

Tumingin siya sa relo. 4:30pm na.

"Here's your boquet sir!" Sabi ng babae sakanya.

"Thanks. Don't tell mom I came here okay?"

"Sure thing sir. Happy monthsary po sainyo ng girlfriend nyo."

"Thanks." At lumabas na ito at sumakay sa sasakyan.

"Manong, Sa Restaurant na po tayo." Utos nito sa kanyang driver.




His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon