Chapter 23

1.1K 17 0
                                    

Chapter 23: Hindi na Tama



3rd Person P.O.V

*Sa bar ni Luis*

"Oh pre! Last two songs nalang!" Aniya ni Bam sa kaibigan.

Kasalukuyang nagbreak muna sila for 10 minutes dahil sunod-sunod ang request ng mga tao sakanila.

Hindi mapakali si Dammien at tila parang may hinahanap.

Napansin naman iyon ni Bam.

"Oh, hinahanap mo ba si Max?" Tanong ni Bam.

Napalingon sakanya si Dan at umiling. "Hinahanap ko yung dalawa. Nasaan na sila Ray at Lloyd?" Tanong niya.

"Sus! Hindi mo na kailangang mag-deny!" Sabi ni Bam. Tinignan siya ni Dammien ng masama. "Oh? Hinanap ni Ray si Lloyd kung sila nga talaga hinahanap mo." Dagdag niya.

Maya-maya pa ay dumating na sina Lloyd at Ray.

"O, andito na yung hinahanap mo." Sabi ni Bam. Sarcastically.

Binatukan niya si Bam at kinausap ang dalawa.

"San kayo galing?" Tanong niya rito.

"Eh eto eh!" Sabi ni Ray at tinuro si Lloyd. "Kung saan nagpupunta! Nakalimutan ata na tutugtog pa tayo!"

"Saan ka ba kasi galing, Pre?" Tanong ni Dammien habang umiinom ng beer.

"Nakita ko si Max kanina." Sagot naman ni Lloyd at uminom din.

Nasamid si Dammien at halos lahat ay nagulat.

"Di nga?!" Tanong ni Ray.

"Oo nga! Ang ganda niya talaga kahit kelan!" Aniya ni Lloyd.

"Eh bakit hindi pumasok dito? Di namin nakita? Niloloko mo ata kami eh!" Saad ni Bam.

Natahimik lang si Dammien at nakikinig sakanila.

"Hindi ko rin alam eh. Ayaw nga niyang pumasok eh." -Lloyd.

'Akosiguroangdahilankungbakitayawniyangpumasok.'Aniya ni Dammien sa kanyang isipan at inubis ang beer nito.

"At eto pa!" Sabi pa ni Lloyd kaya napalingon lahat sakanya. "Guess what kung sino ang kasama niyang lalaki paalis sa bar.."

"Sino?" Tanong nina Bam at Ray.

Naghihintay lang si Dammien ng sunod na sasabihin nito.

Nang malaman lamang niya na may kasamang lalaki ang dalaga ay agad siyang nagbukas ng panibagong bote ng alak.

"Si Luis, pare! Yung may-ari ng bar na 'to! Yung kaibigan ni Dan!" -Lloyd.

Naiyukom ni Dammien ang mga kamay nito.

'Mukhang natipuhan siya ni Luis. Bakit sa playboy pa?' Inis na sabi niya sa sarili.

"Bakit doon pa? Balita ko babaero yun!" -Bam.

"Oo nga pre, Mukhang type si Max. Sinakay pa nga siya sa kotse eh." -Lloyd.

Bago tumayo si Dammien ay inubos niya ang isang bote ng beer na binuksan niyang MULI.

"Tapusin na natin yung gagawin natin dito." Sabi ni Dammien at naglakad na papuntang stage. Sumunod na lamang ang tatlo.

**

"Good evening! Were finally back at tutugtugin ang huling dalawang kanta." -Dammien.

Maraming nagreklamo pero di nalang niya pinatulan.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon