Chapter 15

1.4K 24 1
                                    

Chapter 15: Suitor Who?



Max's P.O.V

"Oh, magkape na muna sis." Sabi saakin ni Ate Jenina at inabutan ako ng isang tasang kape.

"Thanks." sabi ko naman at ininom ito. Tumingin ako sa orasan, it's 9am palang. Mamaya pang 11 yung class ko at hindi ko ata feel pumasok ngayon.

Di parin kasi ako nakakamove-on sa panaginip ko, to think na kagabi ko lang iyon napaginipan.

"Alam ko ang mukha na yan Max! Papasok ka kung hindi goodbye Philippines tayong dalawa." Saad saakin ni Ate Jenina.

Madadamay talaga siya since andito lang siya sa Philippines para mabantayan ako at ang business nila Dad.

"Wala naman akong sinabi na hindi ako papasok ah." Painosente ko namang sagot.

"Asus, akala mo naman uubra yan? Hala! Maligo na nga at lumayas na dito." Biro naman niya saakin at pinaalis ako.

"Sama neto." Sabi ko at pabiro namang umirap sakanya. Dinilaan lang niya ako. -____-

*Diiiiiing Diiiiiiing*

Maya-maya pa ay may nagdoorbell sa aking condo. Sabay kaming napalingon doon ni Ate Jenina at nag-unahan sa pagbukas ng pinto.

"Ako na!" Sigaw ko at hinatak ang blouse niya. Yes, ganito kami magmahalan.

"Ako na bwisit ka." Sabi naman niya at hinampas hampas yung kamay ko kaya nabitiwan ko yung blouse niya at napasubsob siya sa pinto. Tinignan niya ako ng masama.

"Osya ikaw na. Condo mo eh." Sabi ko at bumalik nalang sa pwesto ko kanina.

"Ano po yun?" Rinig kong tanong ni Ate Jenina sa nagdoorbell. Hindi ko nalang inalam at dumiretso nalang sa banyo. Makaligo na nga lang at pumasok.

Papasok na sana ako sa banyo ng marinig ko ang sinabi ni Ate.

"Wow!! Sino nagbigay neto??" sabi niya at rinig kong kinikilig siya. Don't tell me may umaaligid nanaman sakanya? Ew.

Bahala siya. Matanda na siya. Pumasok nalang ako sa banyo at naligo nalang.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas habang nakatapis ng aking tuwalya. Nakita ko si Ate na nakaupo sa kama ko at nakangiti ng malawak.

"Mukha kang aso." Sabi ko habang naglolotion.

Feeling ko nagpout siya nun kaya napa-iling ako. Namataan ko siyang tumayo at may kinuha sa labas ng kwarto ko. At dahil buhay naman niya yon, di ko na siya pinakielaman.

Wala pang ilang minuto ay bumalik si Ate na may dalang Boquet ng red roses habang nakangiti ng malapad.

"May naiinlove parin pala sa'yo?" biro ko habang nagbibihis.

"Sira ka talaga." Sabi niya at inabot ang boquet na iyon saakin. "Oh, sa'yo raw yan." Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Max Medina kaya nakalagay!" Sabi pa niya kaya inabot ko yung bulaklak.

Inamoy ko. Ang bango! @__@

"Kanino naman 'to galing??" tanong ko kay Ate at inaamoy amoy padin yung Mga roses. Ang bango promise!

"See for yourself." Sabi naman ni ate kaya napatingin ako sakanya at nakita ko lang naman ang ngiti niyang abot tenga.

May nakita akong note doon sa loob kaya binasa ko.

O_____O

Nanlaki lang naman ang mata ko obviously. Why? Ito yung nakasulat sa note:

"Ican'tbelievewhatyoujusttoldmeonourlastmeeting. AndIswear'that'mademecrazy. Ican'tevensleepbecauseofthat. I'mreallybothered. Buthey, You'reMaxright? You'resureisirresistable. FineI'llcourtyou. AndIcan'twaittohearyouranswer. -Luis"

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon