Chapter 29: Fiance
MAX's P.O.V
December 31.
"(Nasaan ka besty?)" Tanong ni Tin sa kabilang linya.
"Nasa mall ako ngayon and I'm all alone. Gusto ko lang mapag-isa." Sagot ko naman habang naglalakad-lakad at sumisilip sa mga botiques.
"(Duga! Ayaw mo na ata ako makasama!)"
"Arte! Parang hindi ka namin makakasama mamayang New Year's eve ha?" Natatawa kong sabi.
"(Osige na nga. Bilhan mo nalang ako ng dress! Believe naman ako sa taste ni Max eh. Wag lang taste ni JM ha!)"
"Sira ka talaga--" Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng isang magandang dress na nakadisplay sa isang botique. "Bessy! Gotta go! May nakita akong magandang dress! I swear! Bye!" Sabi ko sakanya at binaba yung tawag.
Pumasok na ako sa loob ng botique at agad hinawakan yung dress na nakadisplay. I swear ang ganda niya----
"Sorry, gusto mo rin niyan? Sige, ikaw nalang bumili." Sabi ng babaeng nahawakan ang kamay ko na nakahawak sa dress na gusto ko.
Tinignan ko siya. "Thanks." I smiled at her.
She's familiar.
"Infact, kahit naman ata makita ko pa yan ng mahigit isang taon, sa'yo parin mapupunta yan kasi sa'yo yan mas fit." Dagdag pa niya at ngumiti ng mapait.
Napakunot ako ng noo. "Have we met before?" Tanong ko.
"We've met but we never knew each other. Let me introduce myself, I'm Angel Casiano. Call me Angel." Then she smiled sweetly.
O H M Y G O S H !
"A-angel?" I stammered.
Siya nga yun! Yung--
"Yes! I'm Angel, Ex girlfriend ni Sam Tsui. Kamusta na kayo?" Tanong niya and still wearing that smile.
Hindi ko siya nakilala kanina dahil last time na nakita ko siya black yung buhok niya tapos ngayon brown na tapos may bangs pa siya. And... Siya yung niyakap ni... Paolo.
I tried to compose myself.
"Were fine. Thanks for asking. Actually, he's been courting me for 2 months." Sabi ko naman at ngumiti rin.
I know I lied.
Biglang lumungkot yung expression ng mukha niya pero nakangiti parin siya.
"G-good to hear t-that. M-may I know your name?"
"I'm Maxene Medina. You can call me Max." I said.
Gusto kong tanungin kung ano niya si Paolo.
Sila na ba?
Pero ayoko. Baka masaktan ako sa malalaman ko.
"M-may gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya.
"Wala naman. Actually trip ko lang talagang magshopping." I smile.
"Pwede ba kitang ma-invite for a coffee?"
Should I say yes?
"Sure."
**
Lumabas pa kami ng Mall para sa treat niyang coffee. Yun pala ay dadalhin niya ako sa Coffee Shop na niregalo sakanya ng parents niya. Infairness naman sa Capuccino nila! Masarap! Dito ko dadalhin si Ate minsan. Mahilig magkape yun eh.
"Max," Panimula niya kaya tinignan ko siya. "Alam kong hindi maganda yung una nating pagkikita. Pero sana malaman mo na hindi ako galit sainyo." Bakit ba palagi siyang nakangiti kahit naman halata na nasasaktan na siya?!
Naaawa ako sakanya. Bakit kailangan din niyang madamay. Mabait si Angel.
"Salamat naman at hindi ka galit saakin... Saamin. And sorry." Sabi ko naman at yumuko.
"Ayokong lokohin ka. Lalo na ang sarili ko. Alam kong alam mo na nasasaktan parin ako dahil... Mahal ko pa ata siya. But atleast, I'm trying to move on." Namumuo na yung luha sa mata niya.
"Yes. I know. And I'm sorry." Sincere ako sa sorry na yan. Maraming meaning ang sorry ko sakanya.
Kung pwede ko lang ipaliwanag sakanya ang lahat. Pero wala na, nasira ko na sila.
"You don't have too." Hinawakan niya ang kamay ko. "Actually habang nagmomove-on ako, may tumutulong saakin." She faded a smile.
Bigla akong kinabahan. Parang ito na yung gustong malaman pero ayokong alamin.
"S-sino?" Tanong ko.
"Someone special, I think. And alam kong matutulungan niya ko." Puno ng pag-asa yung mata niya.
Ngumiti nalang ako.
"Ipapakilala kita sakanya." Sabi niya bigla.
"N-naku! W-wag na!" Sabi ko at may pagwave pa ng kamay.
Wag na please....
"No, it's alright. Actually padating na siya. May appointment kasi kami sa wedding coordinator namin."
Bigla akong napatigil.
"We-w-wedding---" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang may dumating at humalik sa pisngi ni Angel.
"Hi." Bati niya kay Angel dahil hindi niya ata ako napansin dahil nakatalikod siya saakin.
Umarte akong umiinom ng kape.
"Paolo, she is Max. My new friend. Max, he is Paolo." Sabi ni Angel na ikinagulat ni Paolo kasi nanlaki yung mata niya.
"Max," He mouthed. Yung sa hangin lang.
I can't hold my tears any longer.
"H-hey!" Bati ko and trying to be cheerful.
"Max, Si Paolo ang tumutulong saaking mag-move on." Nakangiting sabi ni Angel at biglang kumapit sa braso ni Paolo.
Nagkatitigan lang kami ni Paolo at nangungusap ang mga mata namin.
Hanggang sa magsalita si Angel na nagpabagsak ng mga luhang pinipigilan ko.
"He is my fiance."
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...