Chapter 50: #Reset
JM's P.O.V
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Napabangon ako at ganun nalang ang sakit na naramdaman ko sa ulo ko. Sobrang sakit!
Yeah, I remember. Naglasing nga ako kagabi. Naglasing ako at nakauwi ako---
"Oh my gosh!" Tumayo ako sa kama mismo at tinignan ang paligid.
Paano ako nakauwi sa bahay?? Sinong nag-uwi saakin?! Pilit kong inaalala kung sino ang nakasama ko kagabi.
May lalaking lumapit saakin at hindi ko pinansin. Tumayo ako para umuwi tapos nahilo ako at sinalo niya ako tapos ngumisi aiya saakin tapos.... Oh my gosh... Anong nangyari pagkatapos?!!!
Kahit sobrang sakit ng ulo ko at feeling ko mabibiyak na, lumabas ako ng kwarto ko at tumakbo sa kwarto ni Ate.
"Ate! Ate!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng kwarto niya.
"Ate!" Sigaw ko pa at pinihit ang door knob. Bukas pala ito. "Ate! Sino nag-uwi saa--- Saan ka pupunta???" Nakita ko siyang nag-aayos sa harap ng salamin. Naka-cocktail dress siya na white at parang may aattendan siyang kasal--
Kasal....
"Ate! Bakit hindi mo ako ginising???!" Sigaw ko sakanya at natatarantang bumalik sa kwarto ko. Agad akong naghubad at pumasok sa banyo para maligo. Mamaya ko na nga itanong kung sino amg nagdala saakin dito. Ang mahalaga ay maka-attend ako ng on time sa kasal ni bessy.
Yep. You read it right. Ikakasal na si Tin. Ang bilis no? Nanganak na kasi siya last year and it was a healthy and cute baby boy! Syempre umattend ako non sa binyag ni Baby Christoph. Ang weird no? Pwede namang Kristoff nalang dahil ganun din naman ang pronunciation. Pero wala eh. Baka bestfriend ko yan.
15 minutes lang ata akong nagtagal sa banyo. Mabilis lang din akong nagpunas at nangalkal ng susuotin ko. Sabi kasi saakin ni Tin na doon ko nalang daw kunin sa bahay nila yung dress na susuotin ko kaya magdedress nalang muna siguro ako papunta doon.
Hindi na ako nag-abala pang mag-suklay. Nagsuot lang ako ng pink and white dress at nagflat shoes nalang. Aayusan naman siguro ako doon.
"Ate! Una na ko! Bye!" Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.
"Hoy! Hintayin mo nalang ako!" Sigaw niya at humahabol din saakin habang sinusuot niya yung hikaw niya.
"Wag na! Maid of honor ako eh! Hindi ako pwedeng ma-late!" Sabi ko pa at sumakay na sa sasakyan ko. Taray ko diba? Syempre, 18 na ako eh. Pwede na akong mag-drive and I have my driver lisence last month pa.
I was about to start the engine nang sumakay si Ate sa passenger seat. Nakaabot pa talaga siya ha. Lahi talaga kami ng mga ninja. Pinaandar ko na ang sasakyan.
"Ano ba yan?! Basang-basa pa yung buhok mo! Tumutulo pa yung mga tubig oh! Hindi ka pa ata nagsususklay!" Puna niya saakin.
"Adik mo kasi! Hindi mo ako ginising kanina! Sa dami ng pwede kong mamiss na event... Yung kasal pa ng bestfriend ko!" Sabi ko sakanya at sandali siyang tinignan dahil nagmamaneho ako.
"Eh sino ba kasing nagsabi na maglasing ka sa bisperas pa ng kasal ni Chrystin? Ano nanaman bang trip mo kagabi? Hindi ka nga marunong uminom eh. Feeling mo ha!" Sabi niya saakin.
"Paano ako nakauwi sa bahay? Wala akong matandaan. Lasing na lasing ata ako eh. Sino nag-uwi saakin?" Tanong ko.
"Ha? Ano... Si.." Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil may tumawag sa celphone niya.
"Yow! Angelo!" Bungad niya. Natawa ako. Angelo na talaga ang tinatawag niya kay Kyle.
"Oo, papunta na kami." Napansin kong tumingin siya saakin. "Ewan ko dito. Pero mukha naman siyang okay... Oo na! 15 minutes pa siguro... Kayo na bahala jan... Bye Angelo! Eh sa gusto ko Angelo eh! Sapakin pa kita jan... Kdot bye." Binaba na niya ang tawag.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...