Chapter 46

898 14 0
                                    

Chapter 46: Left with no words



DAMMIEN's P.O.V

"Answer it..." Nanggagalaiti kong sabi habang nagmamadaling magmaneho papuntang condo ni Max.

"(The number you dialled is cannot be reached--)"

"Shit!"

Nasaan ka ba, JM? May mali talaga eh.

Tama bang maniwala ako sa nagtext saakin kaninang umaga?

From: Uknown Number

Your girlfriend is cheating on you. Niloloko ka lang niya.

Hindi ako kayang lokohin ni JM. Mahal niya ko. Nararamdaman ko yun. Pero iba ang pakiramdam ko. Parang may kakaibang nangyayari.

Naalala ko nanaman yung usapan namin ni Kim kanina.

*Flashback*

Nakapila ako sa isang cashier sa bookstore dahil nagpabili saakin si JM ng dictionary at novel.

Nang mabayaran ko na ito ay lumabas na ako at nabigla ako dahil natapunan ako ng isang estudyante ng kanyang bubble tea. Gustong-gusto ko na talaga siyang sigawan pero naalala ko yung sinasabi saakin ni Max na wag daw akong magsusungit at wag maging mainitin ang ulo. Todo sorry siya saakin pero nakatitig lang talaga ako sa damit ko na nabuhusan ng chocolate flavored bubble tea.

"Sige, ate ako na bahala dito." May babaeng pumasok sa eksena at pinunasan ang nabasa kong damit.

Napaatras ako nang makilala ko ito. "Kim?"

"You owe me one. Let's talk." Sabi niya saakin at hinatak nalang ako basta-basta.

Dinala niya ako sa elevator.

"Saan ba tayo--" She cut me off.

"Hindi ka mahal ni Max." Sabi niya.

"Anong--"

"I just heard that naghihiganti raw siya." Sabi pa niya.

"Ano? Hindi na siya naghihiganti. She's already done with it!" Sabi ko.

"Really? Narinig ko ang usapan nila ni Paolo nung isang gabi na hindi pa raw siya tapos maghiganti sainyo. See? They're still together." Sabi niya na ikinahinto ko.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas siya.

"See you later." Sabi niya at nagsara na ang pinto.

*End of Flashback*

That's impossible. Really impossible.

Matagal na silang hindi nagkikita.

I trust you, JM.

x x x x

MAX's P.O.V

I woke up early dahil marami akong pupuntahan ngayong araw. Sa condo ako natulog at inutusan ko si Dammien na bumili ng Dictionary at isang novel. Kailangan kasi sa isa kong subject.

Ngayong araw ko napagdesisyunang balikan ang mga taong nasaktan ko at pormal na humingi ng tawad at sabihin sa harap nila na nagsisisi na ako at matagal ko nang tinapos ang paghihiganti ko.

Ngayong alam ko na kung sino si Jane, aware na ako. Ang hindi ko nalang talaga alam ay kung bakit niya ginawa saakin ang mga bagay na iyon noon?

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon