Chapter 36

1K 18 1
                                    

Chapter 36: Hindi na pwede

Paolo's P.O.V

"I'm telling you this Paolo. Layuan mo si JM kung ayaw mong DAHIL SA'YO, mamamatay siya. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, Paolo. Yung mga nagawa ko sakanya noon? Kaya kong higitan ngayon."

"Isa pa nga!" Singhal ko sa bartender. Agad naman niya akong binigyan pa. At agad ko rin itong ininom.

She's insane!

Ano ba talagang ginawa ni JM sakanya?!

She's crazy, mad, pathetic!

"Bwiset!" I snapped.

"S-say w-what y-you w-want, P-paolo! T-tandaan m-mo, k-kaya kong g-gawing impyerno a-ang buhay ni J-JM!"

Bwiset! Napaka-walang hiya niya!

Pero tama nga siya. Hindi ko siya kayang pigilan.

Pero hindi ko hahayaang guluhin niya ulit ang buhay ni JM!

I've made a decision.

Mahal kita, JM. Yun lang ang alam ko kung bakit ko ito gagawin.

"Gusto lang naman kitang sumaya." I mouthed.

Tumayo na ako at binigyan ng tip ang bartender. He deserves that. I decided to finally go home.

**

Nagising ako nang may tubig na bumuhos sa mukha ko. Napaubo pa ako at napabangon dahil may yelo pa yung binuhos saakin.

"ATE!" Sigaw ko.

At tama nga ako, Siya nga! Nakita ko siyang tatawa-tawa at may hawak pa na baso.

Tinignan ko siya ng masama. Ang sakit sa ulo! Ang lamig nung binuhos saakin!

"Kanina pa kasi kita ginigising! 2pm na!" Siya pa may ganang umirap saakin niyan.

"Bakit kailangan mo pa akong buhusan?!" Sigaw ko at inalog ang ulo ko. May pumasok ata sa tenga ko!

"Eh ayaw mo nga kasing magising!" Sigaw niya rin saakin.

"Bumalik ka na nga sa Daddy mo!" Sigaw ko pa. Nakakaasar na kasi!

"Isusumbong naman kita sa Daddy mo!" Parang bata na sabi niya saakin at padabog na nag-walk out.

Pambihira! Paano ko ba naging kapatid yun?! And worse, bakit siya pa yung panganay?!

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon