Chapter 14: Weird si Dammien
(Dammien's P.O.V)
Pagbaba ni Max ng sasakyan, binatukan ako ni Lloyd.
"Aray! Ano bang problema mo??" Tanong ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Bakit naman sinisiringan mo si Max? Bakla ka ba? Ang suplado mo nanaman sa tao." Sabi naman ni Bam.
"Hindi ko siya sinisiringan. At pwede ba? Sinong bakla??" Sabi ko naman.
"Hindi mo kasi pinapansin yung tao. Ano ba ginawa niya sa'yo?" Tanong naman ni Ray.
"Pwede ba? Wag niyo kong pakielaman?!" Sabi ko sabay baba sa kotse dahil huminto na sa apartment ko.
"Ang sungit mo talaga! Kaya di ka na ulit nagkagirl--" Tinignan ko si Ray ng masama.
"O, edi tatahimik nalang ako. Tara na nga Bam!" Tuloy niya sabay sarado ng pinto ng sasakyan.
"Bye pre!" Sabi nila pero yumalikod na ako at tinaas nalang yung kamay ko para mag-bye.
Bwisit.
Naiinis ako.
Hindi ko maintindihan sarili ko.
Tinatawagan ko kasi siya nitong nakaraang linggo,
Pero hindi niya sinasagot!
Nakakainis!
Binaba;lewala na ba niya ako?
Matapos nung....... ARGHHHHH.
Muntik lang naman yun ha!
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya kinikibo.
Naguguluhan na ako!
Ginugulo ni Maxene ang buhay ko!
Ano ka ba talaga Maxene?
Ano ba 'tong ginawa mo saakin?
Parang naramdaman ko na 'to dati...
Kay Kim.
A/N: AYUN OH! Natuloy nadin sa wakas! Sana magtuloy-tuloy na 'to! Salamat sa mga sumuporta! You can follow me on my twitter. @CaptainAncel
Sino nga ba si KIM sa buhay ni Dammien? Abangan ang mga susunod pang kabanata. Ciao.
Mwah.Hugs. <3
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...