Chapter 24: #Boyfriend ?!?!
MAX P.O.V
As I step down to the floor.
Nakatingin sila saakin ng masama.
"Sorry!" Bungad ko at umaarte na pagod na pagod.
"Saan ka ba galing? Last time na tinawagan ka raw ni Tin, your on your way na raw! We were worried sick here!" Sabi ni Ate.
"Sorry talaga, Ate! Something... Came up." Sabi ko nalang.
"Ano ba yang dumating na yan at mas inuna mo pa sa birthday ko??!" Pagtataray niya at nag-cross ng arms.
Asus. Nagtampo pa.
Good thing I bought her a present.
"Here." Inabot ko sakanya. Tinitigan niya lang 'to. "Sorry na, Ate! Happy Birthday?" Sabi ko at ngumiti. Tinitigan lang talaga niya yung regalo ko. "Hmp! Fine. Bessy! Sa'yo nalang 'to! Ito yung limited edition sa collection ni--" Naputol yung sasabihin ko ng agawin ni Ate yung regalo.
"Fine. Apology accepted. Osiya, kain na tayo then may pupuntahan pa tayo." Sabi niya at dumerecho na sa kusina.
"Saan?" Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot.
I looked at the couple.
Nag-shrug si Jon.
"Secret!" Sabi naman ni Bessy.
Inirapan ko lang siya. Kunwari tampo ako. Tsss.
"Hala! Besty! Hindi mo parin ba ako napapatawad? Hindi na ba tatalab ang strawbe--"
"Saan?" Nilingon ko siya bigla. Strawberry is my drug.
She smiled. "Effective! Later Besty! Sa desserts! Let's go?" Sabi niya kaya sumunod nalang ako.
**
After ng meal na naging meryenda na namin ay konting kamustahan then sumakay na kami ng sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Wala talaga akong idea.
"Secret nga!" Sabi naman ni Ate.
Si Jon yung nagdadrive since kotse niya 'to. At magkatabi kami ni Ate dito sa likod. Si Bessy, nasa passengers seat malamang!
"Osige, beach?" I asked.
"Nope." -Ate.
"Masaya ba doon?" -Ako.
"Don't know." Sabay na sabi ni Bessy at Ate.
Binatukan ko si Bessy.
"Bakit hindi niyo alam kung masaya doon?! Pinagtitripan niyo ko ah!" Sabi ko pa.
"Eh sa hindi namin alam kung magiging masaya ka doon eh!" Sabi naman ni Ate.
"Something to do with me?" Tanong ko.
"For me also." Sagot ni Ate.
I give up! Bahala na! Argh!
Humiga nalang ako sa lap ni Ate, as always. magpapahinga muna ako dahil natense ako kanina at ewan! Grrr!
Hanggang sa...
"JON! MAY SASAKYAN!" Sigaw ni Tin.
*Beepbeep!*
Nagtititili na non si Ate at Tin.
*BOOOOGSH!*
"AAAAHH!" Sigaw naming tatlong babae.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...