Chapter 38

1K 14 4
                                    

Chapter 38: Pride no more


LAWRENCE's P.O.V

"Kuya! Pupunta ka na ba kay Ate Max?" Tanong saakin ni Clarence at bahagyang hinatak ang laylayan ng polo ko.

"Yes, Clarence. So quit bugging me." I said. She pouted and crossed her arms.

"Inaaway mo ko! Susumbong kita kay Ate Max! Ipapa-away ulit kita sakanya!"

Agad ko siyang niyakap. "Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Kakabati lang namin ng Ate mo kaya wag mo na kaming pag-awayin, ha? I love her that it kills me when she gets mad at me."

Tinulak niya ako kaya natawa ako. "Nakakadiri ka naman, Kuya! Parehas kayo ni Kuya Florence! Ang corny niyo! Diyan ka na nga!" Sabi niya at lumabas ng kwarto. Napailing nalang ako.

Kinuha ko sa drawer ang isang maliit na box...

Ibigay mo 'to sa babaeng nagparamdam ng sobrang kaligayahan at nagpabago sa'yo. Siguraduhin mong ibibigay mo lang 'to sa babaeng mamahalin mo hanggang sa iyong huling hininga.

Yan ang bilin saakin ni Lola. Binigay niya saakin ang singsing na binigay sakanya ng yumao niyang ex-fiance. Sila talaga dapat ang magkakatuluyan pero unexpectedly, namatay yung fiance ni Lola. Pero on the bright side, she met Lolo. Pero kahit ganun, Sobra niyang iningatan ang Singsing na 'to kaya I will not bring her down. I will make it sure na si Max na ang babaeng mamahalin ko hanggang sa kahuli-hulihan ng aking hininga.

Napapangiti nalang ako nang maalala ko nung nung isang araw na pumunta siya dito mismo saamin at gusto raw niya akong makausap. Sa totoo lang, nung una hindi ko alam kung paano siya haharapin.

*Flashback*

"Lawrence! Lumabas ka na jan o susuntukin kita pag nabuksan ko 'tong pintuan mo?!" Si Kuya Florence at bahagyang kinakalampag ang pintuan ko.

"Just leave me alone!" Sigaw ko habang tinititigan ang mga larawan ni Max sa iPad.

"Damn! You've been there for almost a week! Do you even take a bath?"

"Shut up and just get lost!" Sigaw ko.

"Siguro nga ayaw mo pang tumanggap ng bisita. I'm sorry, Max. He's almost like that for a week. May problema ba kayong dalawa?" Narinig ko yung malakas niyang boses. Andito si Max?!

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon