Chapter 41

968 15 4
                                    

Chapter 41: Ayoko na




Jenina's P.O.V

"Diretso nalang tayo sa burial ng kapatid mo. Last day na eh. Atsaka for sure, nandun parin si Max." Sabi ko kay Florence nang makarating kami ng Airport.

"Sige."

Medyo napaaga ang uwi namin dahil napa-Oo agad namin yung mga stockholders sa proposals namin. May oras pa kami para makasama sa prayer at sa pagpa-crimate kay Lawrence.

-

Nang makarating kami sa Mansion nila, hindi kami sa main gate pumasok para raw surpresahin namin si Max. At balita nga namin eh, nakauwi narin si tita at si Clarence.

"You're nothing but a heartache! Puro sakit lang sa puso ang binigay mo kay kuya! Hindi mo naman siya minahal eh!" Pero kami pa ata ang nagulat sa nasaksihan namin.

"Clarence!" Sigaw ni tita kay Clarence pero patuloy lang siya sa paglakad papuntang kabaong ng kuya niya. Iika-ika pa siya maglakad.

Anong nangyayari dito? Gusto kong itanong. Nakaluhod lang ang kapatid ko sa harap niya kanina at nakayuko.

"What's this?! Hindi 'to dapat nilalagay dito! My kuya was such a fool! He even did this crappy things!" Kinuha niya ang picture nina Lawrence at Max tapos binagsak sa lapag dahilan para mabasag ang frame.

Napatakip ako ng bibig sa gulat. Tahimik lang lahat at parang walang may gustong pumigil sakanya.

I never thought that a nine-years old girl would said all of those hurtful words to my sister. Gusto ko talagang sugurin si Clarence ngayon at sabunutan. Pero hindi ko siya masisisi, she's just a sister too. And worse, namatayan pa ng kapatid. Kaya malamang sa malamang maghahanap siya ng sisisihin niya.

Nagulat nalang kami nang sampalin ni Tito si Clarence.

"Kung hindi mo kayang irespeto ang girlfriend ng kuya mo, Irespeto mo nalang yung kuya mo." His voice is firm at nagpipigil ng galit. Nahihiya siguro siya sa ginawa ng anak niya.

Umiyak lang si Clarence habang hawak ang pisngi nito. Tumingin siya sa direksyon ng kapatid ko at sinamaan ito ng tingin.

"Umalis ka dito! Wag na wag ka nang magpapakita sa pamilya namin! Ikaw ang may kasalanan nang lahat ng 'to! Mamatay ka sana!" Sigaw niya.

Maglalakad na sana ako palapit para magsalita nang maglakad si Florence papunta kay Clarence at....

Isang tunog ng malutong na sampal pa ang nag-echo sa loob.

Sinampal nito ang kapatid niya.

"Clarence, you have no rights to say that." Sabi ni Florence na halata mo sa tono nito ang sobrang pagka-inis.

I was about to approach Max nang bigla siyang tumayo. "A-aalis n-na po ako. S-sorry po." Sabi niya at tumakbo palabas. I even saw Kyle and the other girl calling my sister but no avail. Hindi siya lumilingon.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon