Chapter 34

1K 14 3
                                    

Chapter 34: "May the best man win"

3rd Person's P.O.V

@Andiamo's Italian Restaurant

Time: 6pm.

Naunang dumating si Dammien kaya naman tinext niya si Sam.

Saan ka na?

At maya-maya pa ay dumating na si Lawrence at tila parang may hinahanap.

Nakita siya ni Dammien kaya naman kumaway pa ito at tinawag siya. "Pre!"

Napansin naman siya ni Lawrence at nakangiting lumapit sakanya. "Dammien, pare!" At nakipag brotherly hug.

"Sino hinahanap mo?" Tanong ni Dammien sa kaibigan ng makaupo sila.

"My girlfriend. Actually, she invited me here for a date. At saktong magkikita-kita tayo kaya might as well I'll introduce her sainyo." Sagot naman ni Lawrence.

"Naks! Lumalablayp na kayong tatlo ha! Seryoso na ba talaga yan?" Tanong ni Dammien kaya biglang nagseryoso ang mukha ni Lawrence.

"I'm dead serious, dude. I'm inlove." Tapos bigla silang nagtawanan.

"Laughing without me?" May nagsalita mula sa likod nila.

"Luis!" Sabay na sabi ng dalawa at nakipagbrotherly hug din sakanya.

"Namiss ko kayong mga kolokoy!" Sabi ni Luis nang maupo sila.

"Darating ba si Paolo?" Tanong ni Dammien.

"Text mo nga. Baka hindi alam ni Sam bagong number ni Paolo! Balita ko nakauwi na yun dito sa Pilipinas ah!" Sabi naman ni Luis.

"Ako na magtetext." Sabi naman ni Lawrence.

"Takte, pre! Imprubing! Nagtatagalog ka na! Congrats!" Sabi naman sakanya ni Luis at tinapik ang balikat.

"Ganyan talaga kapag inlove daw." Biro naman ni Dammien.

"You're just bitter because you're not inlove." Loko naman ni Lawrence matapos itext si Paolo.

"Lul. Sinong nagsabi? Nagmamahal ata ako ngayon! Hindi ko pa nga lang nililigawan."

"Bagal mo, pre! Kung ako sa'yo ligawan mo na! Mahirap nang maunahan!" Sabi naman sakanya ni Luis.

"Asus! Seryoso ka na ba talaga sa girlfriend mo?" Tanong ni Dammien kay Luis.

"Tangina pre, Sobra! Wala na nga akong interes sa mga babae na nagpapapansin saakin eh! Seryoso na 'to! Binago ako ng girlfriend ko!" Pagmamalaki ni Luis.

"Grabe, mukhang si Sam na ata ang naging playboy saatin? Akala ko pa naman magtatagal sila nung Angel. Sobrang seryoso siya doon eh. Ano kayang nangyari sakanila?" Saad ni Dammien.

"Yae na sila! Ang mahalaga, masasaya tayo at nakahanap na rin tayo ng serious relationship!" Sabi naman ni Luis at nagtawanan sila.

**

Sa kabilang dako naman ay nagmamaneho si Paolo papuntang restaurant.

"Sigurado ka bang isasama mo ko?" Tanong sakanya ni Angel na katabi niya.

Isasama niya ang fiancee sa reunion nilang magbabarkada at ipapakilala ito.

"Oo naman. Part 'to ng moving on diba? Kailangan natin silang harapin." Sagot ng binata.

"Hindi kaya magulat ang mga kaibigan niyo pag nalamang nagkapalit kayo ng babae?" Napatawa ang binata sa sinabi ni Angel.

"Magugulat yun syempre. Pero wala silang magagawa. Eto naging kapalaran natin."

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon