Chapter 12

1.4K 25 0
                                    

Chapter 12: Anong nangyare?

Max's P.O.V

Hahaha! Pag kay Luis talaga ako napupunta, 100% success palagi ako, at nakakamotivate pa para ipagpatuloy ang larong ito!

Nasaan na nga ba ako?

Ay heto, nag-aabang ng masasakyan. Wala naman akong kotse dahil di pa ako pwedeng magmaneho.

Yung driver namin eh, si Ate ang sinundo dahil nga sub siya kila daddy.

Nacucurious ba kayo sa nangyari saamin ni Luis? HAHAHAHA.

Next time ko na ikukwento,

Sabay sabay na kayo nila Ate at Bessy. ;)

*BEEP BEEP!*

Ay Golay!

Medyo bastos lang ano?

Businahan daw ba ako eh nasa abangan naman ako ng taxi ah!

Sino ba yung bastos na driver na yun??

"Max! Max! Ikaw ba yan?" Masaya niyang sabi ng binaba niya yung bintana ng kotse.

Psh, ang bastos na driver pala ay si Ray. At yung nagsalita naman ay si Bam.

Sila yung mga kabanda ni Dan kung naaalala niyo pa.

"Max? Ikaw nga! Hi!" Sabi naman ni Lloyd na binaba rin ang bintana niya. Nasa likod siya.

"Saan punta mo?" Tanong nila saakin.

"Uuwi na ako.." Sabi ko naman.

"Aba'y tara!" Sabi ni Ray.

"Naku.. Hindi na.. Maghihintay nalang ako dito, mukhang may pupuntahan pa kayo." Sabi ko naman.

"Naku ka jan. Mahirap na. Sa ganda mong yan baka kung anong mangyare sa'yo pauwi. Sumabay ka na saamin! We insist." Pagpilit saakin ni Bam.

No choice naman ako at sumabay nalang ako sakanila.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad saakin si Dan na tulog.

Kaya pala hindi ko feel ang presence kanina.

"Hoy! Dan! Umayos ka nga ng upo at may magandang binibini tayong ihahatid!" Sabi naman ni Lloyd at tinapik tapik ang pisngi ni Dan.

Naalimpungatan naman itong si Dan kaya napadilat.

Halata mong nagulat talaga siya ng pagdilat ng mata niya ay ako ang bumungad.

Aba'y dapat lang. Bihira lang makaharap ang mga dyosang katulad ko! Chos.

Umisod lang siya at hindi ako kinibo.

Ano kayang problema nito?

Umupo na ako sa tabi niya at sinarado ko na ang pinto.

Nang pinaandar na ang sasakyan ay lahat sila ay dinaldal ako maliban lang kay Dan na straight lang ang tingin sa harapan at ni Ha, ni Ho. Hindi ako kinausap.

Anong meron? Bakit ako neto sinusungitan?

"Dan, musta?" Tanong ko sakanya matapos akong daldalin ng tatlo.

Tinignan lang niya ako na para bang naghehesitant na sagutin yung tanong ko.

In return, inirapan lang niya ako.

ABA'T??! Iniirapan nalang pala ngayong ang dyosang katulad ko??? lol.

Kidding aside, ano bang problema nito??

Anyareh???

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi talaga ako pinansin nitong Dan na ito!

Ano bang ginawa ko???

"Oh, Ingat ka Max. Sana sa susunod namin na gig ay makajamming ka ulit namin!" Sabi saakin ni Bam.

"Salamat. Salamat sa paghatid. Hayaan niyo, text niyo lang ako." Sabi ko naman at sinarado na ang pinto.

"Bye Max! Labyu." Biro naman saakin ni Ray.

"Hehehe. Bye. Ingat kayo!" Sabi ko pa.

"Bye Max. Sleep well." Sabi naman ni Lloyd.

"Goodnight sainyo." Sabi ko pa.

"Pre, Magbyebye ka na kay Max!" Sabi naman ni Lloyd kay Dan.

Tinignan lang niya ako sabay sabing "Bye." Na walang kabuhay buhay.

Inirapan ko lang din siya in return.

Bwisit siya ha?! Wala naman akong ginagawang masama sakanya tapos di niya ko iimikin? Worst is umiirap na siya ngayon? Lalaki ba talaga siya?

URGH. Nakakbwiset.

Pagka-alis ng sasakyan nila ay sumigaw ako sa labas na parang timang.

Nakakabadtrip kasi 'tong Dan na 'to.

ANO BA GINAWA KO? ANYAREH?

_______________________________________________________________

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon