Chapter 33

1K 15 1
                                    

Chapter 33: Reunion


Jenina's P.O.V

Bigla akong naalimpungatan kaya bumangon muna ako sa kama at uminom.

Ano ba yan! 2am pa lang! Binuksan ko yung ref ko at WOW naman! Puro tubig ang laman! Kailangan ko pang bumaba para lang uminom ng gatas! Maarte ako, bakit ba? XD

Nasa third floor ang kwarto ko kaya naman madadaanan ko yung kwarto ni Max. Simula kasi nang na-ospital siya, pinush ko talaga na dito muna siya matutulog. Mahirap na kasi.

Nang madaanan ko yung kwarto niya eh, bukas yung pinto pati yung ilaw! Gising pa ba siya?

Sinilip ko siya.

Nakaupo siya sa study table niya kaya likod lang niya ang nakikita ko. Hawak niya yung iPad niya sa kaliwa at sa kanan naman niyang kamay eh nagsusulat siya sa papel.

Mukhang nag-rereview ang kapatid ko ah. Hinayaan ko nalang siya at lalagpasan na sana nang bigla niyang ihagis yung iPad.

"M--" Tatawagin ko sana siya nang bigla siyang umiyak. Niyuko niya yung ulo niya sa table.

I even heard her sobbing.

"S-sino ba n-nagkalat nun?! P-paano naman nila ikakalat yun?! Alam na ba nilang iisa lang ako at si JM?! Pero hindi eh! Sino ba nagkalat ng pictures ko?! N-nahusgahan nanaman ako ng m-mga tao!" Sabi niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit at galit sa bawat salita niya.

Baka mamaya mag-break down nanaman siya!

Papasok na sana ako sa kwarto niya nang magsalita ulit siya: Kausap niya sarili niya.

"Palagi nalang ba ganito?! K-kapag may n-na ge-gain ako, m-mawawala nalang b-bigla?! G-gusto ko p-pa naman nang t-tumigil! Pero b-bakit pa n-nila nagawa yun?! A-ano ba kasi ang ginawa ko sakanila?! A-ayoko n-na eeh!" Tapos pinupukpok niya yung ulo niya.

Hindi ko magawang lumapit. Baka lalo lang siyang madepress, kaya hinayaan ko nalang na ilabas niya ang sama ng loob niya.

Akala ko wala lang sakanya yung nangyari nung isang araw. Dahil nang iuwi siya rito ni Kyle at kinuwento saakin ang nangyari, hindi ko manlang nakitang umiyak si Max. Hindi ko alam na pag wala kami, sobrang masama pala talaga ang loob niya.

"G-gusto k-ko ng tapusin 'to! Papatayin ko sila sa sakit! Sasaktan ko sila hanggang sa ikamatay nila! W-wala n-na akong pakielam! K-kailangan h-hindi lang ako a-ang nagdudusa!" Tumawa siya ng mapait.

"I'll end this v-very s-soon. Sakit. Ibibigay ko sakanila yan! Sasaktan k-ko sila hanggang s-sa ikamatay nila!"

As I am watching her, a tear fell from my eyes. Nasasaktan din ako. Seeing my sister suffer from the pain, agony. Nasasaktan talaga ako. Lalo na't sinosolo lang niya ang problema.

As much as I want to help her, MALI kasi eh! Ayokong ituloy pa niya yan dahil masama talaga ang kutob ko na hindi lang ang magbabarkada ang may kagagawan ng lahat. Alam kong dapat may mas mag-suffer.

Hinayaan ko nalang siya at umakyat nalang pabalik sa kwarto ko. Nawalan na ko ng gana uminom ng gatas.

Pagkahiga ko sa kama, napag-isipan kong gawin ang isang bagay na dati kong ginagawa at ngayon ay iniiwasan ko na. Pero alam kong SIYA lang ang makakatulong sa kapatid ko.

"L-lord..." Panimula ko at kasunod non ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

"N-nahihirapan na po ang kapatid ko. Kelan niyo po ba maibabalik si JM? Lord, patawarin niyo po ako kung tinalikuran ko ang pagdarasal sainyo. Sorry din po kung nagdadasal lang ako kapag may problema. Pero kasi, hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko eh. Andami na pong nadadamay. Andami na pong nasasaktan. Lalo na po ang kapatid ko. Siya po ang pinaka-nahihirapan. Lord, gawin niyo po ang dapat. Yung dapat para magising sa katotohonan ang kapatid ko. Let us know kung sino talaga ang puno't dulo nito. Ipaalam mo saakin, Lord. Amen." Then I tried to close my eyes and sleep while crying.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon