Chapter 7.3

1.8K 30 2
                                    

Chapter 7.3: Operation, The Vocalist


3rd Person's P.O.V

Infiecies Bar.

"Nasaan na si Krystal??" Natatarantang tanong ni Bam. Ang drummer sakanila.

"Hala tayo, 10 minutes nalang!" Sabi naman ni Ray.

"Pre, Ayos ka lang?" Tanong naman ni Lloyd kay Dan.

(A/N: Nickname po ni Dammien ay Dan. Remember sa previous chapter?)

"O-oo ayos lang." Sagot  ng binata.

"Cannot be reach yung kapatid mo Bam!" Naiiritang sabi ni Ray.

"Asan na ba yang Krystal na yan at matatanggal na yan sa bandang ito!" Saad ni Lloyd.

"Hoy pare, baka nakakalimutan mo, kapatid ko yang tatanggalin mo. Pag tinanggal mo si Krystal, aalis narin ako!" Sabi naman ni Bam.

"Pwede mga tol? Chilax lang tayo? Pati ba naman kayo sisirain niyo pa?" Pang-awat naman ni Ray.

"Edi umalis ka! Kawalan ka ba?" Pang-iinis ni Lloyd.

"Pare, wag ka nalang magsalita.." Pumagitna si Ray sakanila.

"Ah ganon? Sige! Leche ka! Aalis na ko sa banda!" Sabi naman ni Bam at tinulak si Lloyd.

"Lumayas ka na, Bwisit ka! Chupi!" Sagot ni Lloyd at tinulak rin si Bam.

"Siraulo ka ha?!!" Sabi ni Bam at akmang susuntukin si Lloyd.

"TUMIGIL NA NGA KAYO! MGA BWISIT KAYO ANG IINGAY NIYO! MGA SAKIT KAYO SA ULO!" Sa wakas nagsalita rin si Dan.

Natigilan silang lahat.

"Uhmmm, excuse me po.." Huminahon silang lahat ng may pumasok na lalaki. Yung manager ng bar. "5 minutes nalang po. Standby na po kayo." Dagdag pa nito.

"Uhh, Pasensya na po. Di na po kami tutugtog." Sabi ni Dan.

Lahat nagulat at napatingin sakanya.

"Huh? Bakit?" Tanong ng manager.

"Hindi po kasi makakarating yung female vocalist namin." Malungkot na sagot naman ni Ray.

"Ah, yung babae ba? Kanina pa siya andon sa labas, ready na nga raw siya eh." Sabi naman ng manager.

"Ho?" Tanong nila.

Nagtinginan silang lahat.

"Anjan na pala si Utol eh. Tara na mga pare!" Sabi ni Bam habang binibeat ang drum sticks nito.

"O tayo na!" Sabi naman ni Lloyd.

Kaya naman umakyat na sila sa stage.

Natigilan naman silang lahat.

"Krystal?"

Lahat sila nagulat ng hindi si Krystal ang nakaabang sakanila sa stage.

"Uhmm, hindi po ako si Krystal. Actually I'm a friend of her po. She said di po siya makakarating." Sabi ng dalaga.

"M-magaling ka bang kumanta?" Tanong ni Ray habang tulala sa babaeng iyon.

"Siguro po." Sagot ng dalaga.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon