Chapter 47

915 13 0
                                    


Chapter 47: Game's Over




3rd Person's P.O.V


"Hi po, Ate JM." Bati sakanya ng isang freshman.

"Hello din." Tugon ni JM.

"Uy, JM!" Tawag sakanya ng isa sa mga ka-blockmates niya.

"Yow!" Nginitian siya ni JM.

Ilang linggo pa ang nakalipas at naging maayos na ang lahat tungkol sa isyu na kinahaharap niya sa eskwela.

Marami na ulit siyang naging kaibigan at bumalik na rin ang atensyon niya sa pag-aaral. Naging top student siya at palagi niya itong pinapanatili upang hindi siya matanggal sa Dean's Lister.







Habang naglalakad ang dalaga ay may umakbay sakanya.

"Uwian niyo na ba?" Tanong nito.






"Uy, Pao. Ikaw pala. Hindi pa eh. May isa pa akong subject. 30 minutes lang yun." Sagot ni JM.

"Ah ganun? Naghintay pa naman ako dito sa bench na 'to." Tinuro niya ang bench na inupuan niya kanina habang hinihintay niya si JM.

"Eh sinabi ko bang maghintay ka?" Biro ni JM.

"Ganyan ka naman eh! Sabi mo may lakad tayong dalawa ha! Talkshit ka ha." Umarteng nagtampo si Paolo.

"Joke lang! Ikaw kasi ang aga mo namang pumunta dito! Hintayin mo nalang ako. 30 minutes lang yun." Sabi sakanya ni JM.

"Aba, sosyal ka ha. Sa gwapo kong 'to, ipapabilad mo ang mukha ko sa araw?" Reklamo ni Paolo.

"Arte ha!" Hinampas ni JM si Paolo sa braso. "Osige, sumama ka nalang saakin. Maki-sit in ka nalang muna. Nahiya yung mukha ko sa mukha mo eh." Naiiling na sabi ni JM.

"Yown! Tara na!" Hinatak ni Paolo si JM papunta sa room nito.




Maayos naman na ulit si JM at Paolo. Si JM pa mismo ang nagbigay ng closure sakanila. Inalok niya si Paolo na maging magkaibigan nalang sila.

*Flashback*

"Paolo... Itext mo si Kim.. Please.. Itanong mo kung nasaan sila ni Dammien! Paolo, please." Nagmamakaawang saad ni JM sakanya.

Kahapon lamang nangyari ang lahat. Nagtagumpay ka nga si Risha. Naiwan nga si JM ni Dammien. Labis na nasaktan si JM. At pagkagising niya non sa umaga ay agad siyang tumungo sa bahay nina Paolo upang kausapin si Kim, ngunit huli na at umalis na raw ito kagabi pa, kasama si Dammien.

Kahit gustong tulungan ni Paolo si JM ay wala siyang magagawa. Kagabi pa niyang hindi ma-contact ang kapatid niyang si Kim. Walang nakakaalam kung nasaan ito. Pero sa kanyang palagay ay sinama nito si Dammien sa ibang bansa kung saan nakatira ang Daddy ni Kim.

His Girl Is On Fire (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon